Tado na-cremate na! Fans hindi masyadong type ang mga government official na guest nina Boy at Kris

SCENE: Ang jampacked premiere night ng Starting Over Again ng Star Cinema sa SM Megamall noong Martes.

Nagustuhan ng mga nanood ang realistic ending ng pelikula na hindi nagkatuluyan sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

SEEN: Dinamdam ng cast and crew ng Villa Quintana ang pagpanaw ni Roy Alvarez noong Martes.

Masakit sa dibdib ang nararamdaman ni Gina Alajar, ang direktor ng Villa Quintana.

SCENE: Bukas na sa publiko ang IMAX Theater at Director’s Club Cinema ng SM Megamall.

SEEN: Ang ambulansya ng Philippine Red Cross ang  naghatid  kahapon sa bangkay  ni Tado Jimenez sa Loyola Memorial Park Crematory, Marikina City para sa kanyang cremation. Active volunteer si Tado ng PRC..

SCENE: Hindi type ng masa na  government officials ang mga guest nina Boy Abunda at Kris Aquino sa unang dalawang gabi ng Aquino and Abunda Tonight

SEEN: Certified blockbuster ang Bride for Rent ng Star Cinema, base sa report ng Box Office Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa nationwide theaters noong February 5 hanggang February 9, 2014.

Show comments