Wally nakokonsensiya pa?!
PIK: Memorable raw kay Martin Nievera ang nakaraang kaarawan niya dahil simple lang ang naging celebration.
Sabi niya, “It was fun, but I hate birthdays. I’d rather cook on your birthday. I’d rather throw a party for you.
“Para sa akin, I don’t eat, I don’t enjoy the food. I never enjoy my own party. But this year, it was a good time with family and friends.
“Wala kasi masyadong ano eh…it wasn’t a huge party, unlike nung 50th birthday party ko. Wala akong ginawa kundi mag-hello, thank you…â€
Sinilebreyt ni Martin ang kanyang 52nd birthday nung nakaraang FebÂruary 4 na kung saan sinimulan din nila ni Regine Velasquez ang rehearsal ng Voices of Love concert nila na gaganapin sa SM-MOA Arena sa February 14.
PAK: Kapansin-pansing hindi pa rin ganun kakumportable si Wally Bayola sa pagbabalik niya bilang co-host sa Eat Bulaga.
Karamihan sa mga nakapanood ay naaawa sa kanya dahil hindi pa rin ito ang dating Wally na sumasabay sa kalokohan ni Jose Manalo.
Sumasabay lang siya kina Jose at Paolo Ballesteros na parang umaalalay lang, pero hindi ito gaanong nagsasalita.
Marami ang nagsasabing dapat na magsalita na si Wally at harapin ang isyung kinasangkutan para tuluyan na siyang tanggapin at patawarin ng mga taong sumusubaybay sa kanya.
Hindi pa rin kasi ito pinapayagang magsalita, kundi mga kasamahan lang niya sa Eat Bulaga ang nagsasabing tanggap nila ang pagbabalik-Bulaga ni Wally.
BOOM: Nagulat kami sa nakarating sa amin na balitang sumakabilang buhay na raw ang komedyanteng si Don Pepot.
Napag-usapan ito sa Facebook pero pinabulaanan ni Bibeth Orteza dahil balak pa nga nilang i-guest ito sa Vampire ang Daddy Ko.
Kahapon ay may nag-forward sa amin ng ipinost ng komedyante ring si Joji Isla sa kanyang Twitter account.
Aniya; “I am so sorry for a previous post I made, it is not Don Pepot the actor who died. I feel terrible. My apologies.â€
- Latest