TV-movie ni Guy at Pip, showing na

MANILA, Philippines - Bilang Valentine’s Day special offering ng Studio5 Original Mo­vies ay mapapanood na ngayong Pebrero 11 ang pinakakaabangang muling pagsasama sa pinaka-iconic na love team sa Philippine cinema – ang sinubaybayan at minamahal na Guy & Pip love team nina Superstar Nora Aunor at ng multi-awarded dramatic actor na si Tirso Cruz III. Sa pelikulang When I Fall in Love ay tampok sina Guy & Pip bilang mag-asawang Armando at Fely Buenaventura na humaharap sa pinaka-malaking pagsubok sa kanilang pagsasama. Pero patutunayan nila ang kahulugan ng tunay na pagmamahalan para maging inspirasyon sa kanilang mga anak na sina Ricky (Marc Abaya), Nica (Nadine Samonte, at Louie (Felix Roco).

Sa ilalim ng direksiyon ng highly acclaimed director na si Joel Lamangan, ang When I Fall in Love ay matutunghayan ngayong Martes, Pebrero 11.

Ang Love Month series ng Studio5 Original Movies ay may handog na ispesyal na made-for-TV movie na palabas tuwing Martes ng gabi sa buong buwan ng Pebrero na eksklusibong mapapanood sa TV5.

 

Show comments