Bianca nagpakita na ng boobs

May boyfriend si Bianca King, pero wala siyang ka-date sa Valentine’s Day at ito’y dahil nag-aaral sa California ang karelasyong si Julio Villafuere. Kaya ang gagawin ng bida ng Obsession, magpapa-dinner sa mga kaibigang single kasama si Rhian Ramos na break na kay KC Montero.

May date rin si Bianca kay Solenn Heussaff na kahit may BF, hindi nagsi-celebrate ng Valentine’s Day. Dahil guest si Solenn sa Valentine’s Day concert ni Ogie Alcasid na Samahang Walang Ka-Valentine, malamang na manood na rin si Bianca ng concert sa Music Museum.

Wish ni Bianca, sana may taping na lang siya ng Obsession, kaso sobrang advance na ang taping nila, week 4 pa lang ang eere sa Thursday, pero week eight na ang nati-taped ni director Jay Altarejos. In fact, nang umalis si Direk Jay para dumalo sa 64th Berlin International Film Festival, sinabayan ng bakasyon ng cast.

Twelve weeks tatakbo ang Obsession at sa mga nagre-request na i-extend ito, sagot ni Bianca, bakit kailangan pang i-extend ang drama series kung puwede naman siyang gumawa ng bagong project.

Samantala, sabi ni Bianca, ang Obsession ang pinaka-sexy sa mga project na ginawa niya dahil bukod sa kissing scene, may love scene pa siya at nilag­yan lang ng plaster ang kanyang boobs.

Sarah hindi sumipot sa premiere night ng sariling pelikula

Ang bilang namin, 17 ang bumubuo ng cast ng Basement, ang horror movie ng Springboard Productions at Coffee House Productions na showing simula bukas at kasama rito ang newborn baby. Sa ending, apat ang maiiwang buhay, pero dalawa lang ang sure na buhay dahil ‘yung dalawa, kasama ng manananggal sa ambulance at hindi sure kung makakaligtas.

Kapag pinanood ninyo ang movie, malalaman ninyo kung sino ang tinutukoy naming buhay. Tatakutin ni director Tope Lee ang viewers at may kasama pang sigaw at tawa.

Ang mga batang kasama sa cast gaya nina Mona Louise Rey at Carl Acosta ay hindi pinayagang manood ng movie dahil R-13 ang rating ng MTRCB. First movie pa naman ito ni Mona, pero nasa labas lang siya ng Podium cinema at ang ina lang nito ang nanood.

Dumating si Ellen Adarna sa premiere night kahit hindi na siya GMA 7 talent. May nakakita sa mom ni Sarah Lahbati sa isang resto sa baba ng Podium, hindi kami sure kung nanood ito ng movie, kung saan, malaki ang participation ni Sarah.

Luis hindi na nagmamadaling mag-asawa

Pasalamat si Luis Alandy na may taping siya ng Innamorata sa February 14 dahil hindi siya malulungkot. Wala siyang ka-Valentine dahil wala na siyang GF. Late December last year, naghiwalay sila ng fiancée niyang si Bebs Hollman at dahil doon, hindi natuloy ang kanilang kasal.

After three years, natapos ang relasyon nina Luis at Bebs dahil hindi nakayanan ang long-distance relationship. Based in Canada ang ex ni Luis at dito naman ang trabaho ng aktor na hindi niya maiwan, ang solusyon nila’y maghiwalay.

Sa sinabi naming mabuti pa ang friend niyang si Joross Gamboa tuloy ang kasal sa November, sagot ni Luis, kailangan nang mag-asawa ni Joross dahil mas matanda ito sa kanya. Hehehe!

Samantala, isa sa magandang eksena sa Innamorata para kay Luis ay tuwing nagta-transform siya from Edwin na present cha­racter niya into Arnaldo na past character niya. Dasal nito, mag-rate ang Afternoon Prime na pilot sa February 17.

Kristoffer nawala na ang takot kay Direk Joyce

Tuwang-tuwa si Kristoffer Martin sa nalamang pinuri ni Direk Joyce Bernal ang acting nila ni Kim Rodriguez sa Paraiso Ko’y Ikaw. Sabi raw ng director, magaling ang dalawa at wala siyang problema pagdating sa acting.

Sa narinig, nabawasan ang pagkailang ni Kristoffer sa kanilang director na kinatakutan niya noong una dahil sobrang strict, pero off-cam, masarap daw maging katropa. 

 

Show comments