Ang saya kahapon ng presscon ng Voices of Love sa Luxent Hotel dahil sa dami ng raffle prizes. Parang Pasko sa Pebrero ang nangyari dahil namigay sina Martin Nievera at Regine Velasquez ng mga Swatch watch, iPad Mini, TVolution, gift certificates mula sa Midas Hotel & Casino, at Victoria Court.
Nagluluksa ang magkapatid na Regine at Cacai Mitra dahil sa pagpanaw ng kanilang ama na si Mang Gerry noong February 3 pero tawa nang tawa sila sa mga kaganapan sa presscon ng Voices of Love.
Ang sabi ni Martin, dedicated kay Mang Gerry ang Valentine concert nila ni Regine sa Mall of Asia Arena.
Tatay-tatayan ni Martin si Mang Gerry at hindi niya nakakalimutan na batiin ng happy birthday ang fadir ni Regine dahil magkasunod ang petsa ng kaarawan ni Mang Gerry at ni Bert Nievera, ang ama ng Concert King.
Hindi kakantahin ni Regine sa concert nila ni Martin ang Leader of the Band at ang ibang favorite song ni Mang Gerry.
Ipinagtapat ni Regine na iniiwasan nito na umiyak kaya hindi niya aawitin ang Leader of the Band.
Kontrolado ang pag-iyak ni Regine nang mamatay si Mang Gerry dahil baka mawalan siya ng boses kapag itinodo niya ang pagluha. Ganyan ka-professional si Regine na nagagawa na isakripisyo ang sariling emosyon, alang-alang sa mga manonood ng Voices of Love.
Si Jun Lalin ang publicist ng Voices of Love. Mahigpit ang pakiusap ni Jun na banggitin ang mga major at minor sponsor ng coming soon concert nina Martin at Regine.
Naisakatuparan ang Voices of Love dahil sa suporta ng PLDT Home, Bench, Victoria Court, Mc Donalds, Pacific Blue Shades and Watches, Farlin Baby Products, Zim Cleanser, Luxent Hotel, Pest Off, Midas Hotel & Casino at Bona Kid Pre-School.
Sold out na ang tickets para sa Voices of Love kaya sorry na lang sa mga humihingi ng complimentary tickets. Huwag na kayong mangulit dahil wala akong maibibigay sa inyo.
Heart dineklarang si Chiz na ang huling lalaki
May rebelasyon si Heart Evangelista sa birthday celebration niya sa Startalk noong Linggo.
Si Senator Chiz Escudero ang surprise guest namin para kay Heart at inamin nito na matagal na niyang crush ang senador, bago pa sila nagkaroon ng relasyon.
Ikinuwento ni Heart na guwapung-guwapo siya nang una niyang ma-sight ang kanyang future dyowa. White T-shirt at shorts lamang ang suot ni Papa Chiz nang mapansin siya ni Heart. Bilib na bilib si Heart dahil senador na noon si Papa Chiz pero walang itong bodyguard.
Sa totoo lang, in love na in love si Heart sa kanyang dyowa. Parang nakakundisyon na ang kanyang isip na silang dalawa ang magkakatuluyan dahil sa pahayag niya na magpapakasal siya sa edad na 30. Eh turning 29 si Heart sa darating na Biyernes. Heart ang pangalan ni Heart dahil Valentine’s Day nang isilang siya ng kanyang loving mother.
Si Papa Chiz na yata ang pinakaguwapo at pinaka-hunk na lalaki noong Linggo dahil sa mga papuri sa kanya ni Heart.
Nagsalita na si Heart nang tapos na si Papa Chiz na ang huling mhin sa kanyang buhay. Ganyan kasigurado si Heart sa love niya para sa napakasuwerte na senador.