Deniece Cornejo dehado sa ipinaglalaban

Vhong Navarro at Deniece Cornejo. File photo

MANILA, Philippines – Sa tingin ng kampo ng modelong si Deniece Cornejo ay binibigyan ng “special treatment” si TV host Vhong Navarro sa kinasasangkutan nilang problema.

Pinuna ng abogado ni Deniece na si Howard Calleja ang naging pagtrato ng Department of Justice kay Vhong, partikular ang paglabas ng artista sa St. Luke’s Hospital noong nakaraang linggo.

“Obviously kitang-kita nama natin, from St. Luke's to DOJ, kung gaano karami ang escort niya at kapulisan na sana tumutulong sa ibang krimen at ibang isyung pambayan, e napunta sa kanya ang seguridad,” pahayag ni Calleja sa “Startalk” ng GMA7. “It would appear na meron konting pinapaboran o may konting special treatment dito.”

Kaugnay na balita: Vhong ang daming kinatatakutan

Nakiusap si Calleja na maging pantay ang pagtrato sa dalawang kampo na parehong may kaso sa isa’t isa.

“Hindi ko naman aalisan na ilang libo ang fans ni Vhong. That only, alam naman natin right or wrong, tagahanga mo yan… No matter what any other people say, let us not try this in public, let us not try this in the court of public opinion.”

Samantala, nagsalita na rin ang magulang ni Deniece tungkol sa kinasasangkutan ng anak.

 â€œUp to now, hindi ako makapaniwala. I’m in shock. Masyado akong nalungkot sa pangyayari. Hindi talaga parehas,” banggit ni Dennis Cornejo, ama ni Deniece sa isang phone patch.

Nangako si Dennis na hindi iiwanan ang anak sa ipinaglalaban.

“Hinding-hindi kami tatalikod sa anumang pinaglalaban niya (Deniece) dahil ang laban niya ay laban naming buong pamilya.”

Show comments