Vandolph aminadong dinadala ng kapalaran sa pulitika
MANILA, Philippines - Masayahing tao si Vandolph pero ayon sa aktor, pag tinamaan daw siya ng problema, lumalabas ang pagiging iyakin niya.
“Verbal ako. Pero ‘yung gigil, lumalabas ‘yon. Pag mag-isa lang ako, tahimik ako. Pag wala akong makausap, tahimik ako. Lagi kong naiisip ‘yung buhay-buhay!†sabi ni Vandolph na nasa cast ng Viva movie na ABNKKBSNPLAko!
Buong buhay kasi ni Vandolph ay ang amang si Dolphy na ang kasama niya.
“Idol ko siya eh. Hindi ko naman ginagaya si Erpat. Halos lahat ng ginagawa ko sa comedy is from him! Pinagpapatuloy ko lang ‘yung pangako ko sa kanya na I will still make people happy kahit wala ka na. Ipagpapatuloy ko ‘yung pagiging komikero mo sa abot ng makakaya ko!†rason ng aktor.
Pero kung wala siyang trabaho sa showbiz, tumutulong siya sa ina na si Alma Moreno sa trabaho nitong bilang konsehala ng Parañaque. Kaya naman pumasok man siya sa pulitika eh may experience na siya.
“Doon yata tayo dinadala eh. Pero waiting pa ako ng sign sa Diyos!†sambit pa ni Vandolph.
Regine hindi nawalan ng boses kahit iyak nang iyak
Milagrong nakakabirit pa rin si Regine Velasquez nang mag-guest siya sa Sunday All Stars kahapon. Hindi naapektuhan ang kanyang boses to think na kalilibing pa lang ng ama niyang si Mang Gerry, huh! Kung ibang singer ‘yon, namaos na siya sanhi ng madalas na pag-iyak!
Larawan kasi ng katatagan ng dibdib si Regine nang mamatay ang ama. Nagagawa pa nga niyang magbiro sa mga interview sa kanya.
Anyway, lubos na pinasalamatan ni Regine ang lahat ng nakiramay at nagdasal sa pagyao ng ama. Pigil man ang luha niya habang nagpapasalamat, asahan na itotodo ni Reg ang pag-iyak sa Voices of Love concert nila ni Martin Nievera ngayong Friday, February 14, sa SM Mall of Asia Arena kung saan dedicated kay Mang Gerry ang naturang concert!
Dion tatlong taon nang seryoso sa GF
Ang magkaroon ng girlfriend na hindi niya ma sÂyadong mahal ang worst na nagawa ni Dion Ignacio sa ngalan ng pag-ibig.
“Parang sakto lang. Siguro ‘yon ang worst na nagawa ko. Meron akong nakilalang girl na ‘yon pala ang parang mas gusto ko. Tapos nagkasundo kami. Parang pinalitan ko siya. Mas na-in love ako sa bago. Tapos…Worst po ‘yon!
“Heto na ‘yung maganda. ‘Yung girl na sumunod, minahal ko talaga nang totoo! Nang tapat! Nagpaka-gago na ko sa kanya! Nag-focus na ako sa kanya.
“’Yung love ko na hindi ko binigay sa isa, rito ko binigay sa kanya.
“Hanggang ngayon kami pa rin. Tatlong taon na! Grabe ‘yung pinaka-best na ‘yon! Ha! Ha! Ha!†saad ni Dion na nasa cast ng GMA na Innamorata.
- Latest