Meg at JC bibida sa Moon of desire

MANILA, Philippines - Bibida na sa kanilang sariling serye ang Kapamilya stars na sina Meg Imperial at JC de Vera sa nalalapit nilang afternoon soap na Moon of Desire. Laking tuwa ng dalawang bituin sa proyektong tampok ang isang kakaibang kuwento ng pag-ibig dahil ito ang kauna-unahang lead roles nila kasunod ng matagumpay nilang pag-ganap sa Galema: Anak ni Zuma para kay Meg at The Legal Wife  para naman kay JC.

Mula naman sa mga wholesome role sa Aryana at May Isang Pangarap ay handa na ring makipagsabayan sa pagpapa-sexy ang young actor na si Dominic Roque. Makakasama rin nila sa naturang teleserye ang kontrobersiyal na si Ellen Adarna sa kanyang unang pagsabak sa pag-arte at ang model-turned-actor na tiyak pakaabangan na si Miko Raval.

Abangan ang Moon of Desire na malapit nang painitin ang inyong mga hapon sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.  

 

Show comments