Kahit magaling nang artista si Coco Martin ay intimidated din pala kay Sarah Geronimo. Nakakapagtaka hah! NgaÂyon ko lang nalaman na nangangapa ng sasabihin ito kapag natatanong tungkol sa Pop Princess na makakapareha niya sa pelikula ng Star Cinema. Ilag ba siya kay Matteo Guidicelli na sinasabing boyfriend nito? Pero ano naman ang dapat niyang ikatakot dito, wala naman itong sey sa pagtatambal nila. Maski na si Sarah ay sasabihin ito sa kanya.
Asawang menor de edad, in love na in love kay Freddie
Eh ano naman ang masama kung gustuhin ni Freddie Aguilar na magkaanak sa batang-bata niyang dyowa eh mag-asawa na naman sila? Kitang-kita sa mga interview nila na talagang smitten ang girl sa kanya which is understandable dahil nakaÂkita na ito ng lover, nakakita pa rin ng father figure kay Freddie. At walang masama dito, meron ba?