Aktres na nagpakasal sa tomboy, sinunog lahat ng ebidensiya

Believable na true love ang nararamdaman ni Aiza Seguerra para sa kanyang girlfriend na si Liza Diño.

Sa rami ng mga nakarelasyon ni Aiza, si Liza lang ang inalok niya ng kasal. Overflowing with happiness naman ang reaksiyon ni Liza sa proposal ni Aiza na sinagot niya agad ng “ Yes!”

Pinasalamatan din ng soon-to-be wife ni Aiza ang lahat ng sumusuporta sa kanilang pagmamahalan.

Hindi pa allowed sa Pilipinas ang same-sex marriage kaya inaasahan na magpapakasal ang dalawa sa ibang bansa.

Hindi si Liza ang kauna-unahang Pilipina o showbiz personality na nagpa­kasal sa kapwa babae.

May aktres na nagpakasal din sa kanyang tomboy na dyowa pero lihim na lihim ang kanilang pag-iisang dibdib hanggang magkahiwalay sila.

Nagpakasal ang dalawa sa ibang bansa. Nang mag-goodbye sila sa isa’t isa, siniguro ng aktres na sunugin ang mga wedding picture nila ng tivoli para walang ebidensiya. Nagkikita pa rin ang aktres at ang kanyang ex-dyowa pero friends na lamang sila.

Wally nahihirapan pa

Nakakaiyak ang comeback ni Wally Bayola sa Eat Bulaga noong Sabado. Pati ang Dabarkads, naiyak sa eksena ng paghingi niya ng tawad.

Napansin ko na hindi pa komportable si Wally sa harap ng kamera at normal ‘yon para sa katulad niya na dumaan sa isang malaking eskandalo at matagal na hindi umapir sa TV.

Mas mahirap ang posisyon ni Wally dahil komedyante siya. Hindi madaling magpatawa kapag may malaking pagsubok na pinagdaanan at pinagdaraanan.

Kailangan ni Wally ng tulong nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros para masanay uli siya sa pagharap sa kamera at patawanin ang televiewers.

Presscon nina Martin at Regine may misa muna para kay Mang Gerry

Magkakaroon uli ng last presscon para sa Voices of Love, ang Valentine concert nina Martin Nievera at Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena.

Napagkasunduan ng mga concert producer na magdaos muna ng misa para kay Mang Gerry, bago umpisahan ang presscon.

Si Mang Gerry ang ama ni Regine Velasquez na sumakabilang-buhay noong February 3. Ang bilis-bilis ng araw dahil sino ang mag-aakala na isang linggo na pala ang nakalilipas mula nang bawian ng buhay ang tatay ni Regine?

Nasa pocket presscon si Regine ng Voices of Love nang matanggap niya ang malungkot na tawag sa telepono na namatay na si Mang Gerry. Hindi sinabi ni Regine sa mga reporter ang nangyari pero nagmamadali siya na umalis at nagpunta sa ospital na pinagdalhan sa kanyang ama.

The show must go on para kay Regine na ipinagpatuloy ang rehearsals at promo ng Voices of Love dahil kung nabubuhay ang kanyang ama, gugustuhin din nito na puntahan niya ang lahat ng tinanggap na trabaho.Malaki ang kinalaman ni Mang Gerry sa kasipagan at pagiging professional sa trabaho ng kanyang mga anak.

Maselang tanong bawal kay Vhong

Rated SPG ang interview namin ni Papa Ricky Lo kay Vhong Navarro na ipinalabas kahapon sa Startalk dahil maselan ang topic na tungkol sa rape at pambubugbog na dapat ipaliwanag nang maa­yos  sa mga bata na nanonood ng TV sa oras na 4:00 p.m. onwards.

Tiniyak namin ni Papa Ricky na walang tanong na maselan para kay Vhong. Kasama sa interbyuhan portion ang lawyer ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga na hindi naman tinutulan o nag-censor sa mga question ko.

Hangga’t puwede, iniwasan ko na tanungin si Vhong tungkol sa mga nangyari sa kanya noong gabi ng January 22 dahil ramdam na ramdam ko na ayaw na niyang ulit-ulitin ang pagkukuwento. Masyadong mabigat sa dibdib ang mga kalupitan na dinanas niya kaya hindi na dapat i-remind sa kanya.

 

 

Show comments