May kilig ang pag-apir ni Sen. Chiz Escudero sa birthday episode ni Heart Evangelista sa Startalk kahapon.
Kasi naman itong si Heart parang atat na atat nang mag-asawa. As in parang siya ang gusto nang pakasalan siya ni Chiz. Nang tanungin kasi siya kung kelan niya gustong magpakasal, “bukas†na agad ang sagot ni Heart. Habang si Sen. Chiz walang nabanggit kung kelan o may mangyayari bang kasalan.
At magkalapit lang pala sila ng bahay ni Heart. ‘Yun palang biniling townhouse ni Heart, magbilang ka lang ng hakbang nasa bahay na ng senador na karelasyon ng aktres.
Kasal ng anak ni June Rufino star studded
Nakakainggit (hahaha) ang kasal ng panganay at nag-iisang lalaking anak ni Tita June Torrejon-Rufino, Senior Vice President - Film Production and Executive Officer for Broadcast & Film ng Viva Entertainment na si Ranvel Erik Torrejon Rufino last Saturday afternoon na ginanap sa St. Therese of the Child Jesus Chapel, Pico de Loro, Nasugbu Batangas. Awesome. Lovely. Perfect ang weather at ang ganda ng lugar.
Naging misis ni Ranvel na isang wealth manager ng isang bangko si Ma. Bianca Vanessa Lim Lorenzo na isang dating flight stewardees.
Bago sila ikinasal, may dalawang anak na sina Ranvel at Bianca.
Star studded din ang nasabing kasalan. Kasama sa entourage sina Congw. Lucy Torres, ABS-CBN executive Deo Endrinal, Edu Manzano, Direk Wenn Deramas, Boss Vic del Rosario, Tita Ichu Maceda, GMA 7 executive Ms. Redgie Acuna-Magno, ABS-CBN Channel Head Ms. Cory Vidanes and Mother Lily Monteverde bilang principal sponsors.
Groomsmen naman sina Luis Manzano, Derek Ramsay, Sen. Sonny Angara (candle), Anne Curtis (candle), Judy Ann Santos (veil), Pia Guanio-Mago (cord), Maryo J. delos Reyes (water and wine) at ang writer na si Jake Tordesillas (offering).
Hindi naman nakarating sina Gov. Vilma Santos-Recto and tito Boy Abunda na parehong kasama sa mga principal sponsors.
Present din sina Cristine Reyes, Matteo Guidicelli na ang akala ng ilang bisita ay kasama si Sarah Geronimo, Nikki Valdez, Ms. Veronique del Rosario-Corpus, Vincent del Rosario, Eat Bulaga executive Ms. Malou Choa-Fagar at marami pang kaibigan sa showbiz ng pamilya ni Tita June.
Best wishes Ranvel and Bianca.