Ipinagbubuntis ngayon ni Jerika Ejercito ang magiging first baby nila ng actor na si Bernard Palanca. Si Jerika ay panganay na anak ng dating aktres na si Laarni Enriquez kay dating Pangulo at ngayo’y mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada. Of course, everybody knows na si Bernard ay ex-husband ni Meryll Soriano, panganay na anak ng TV host-comedian na si Willie Revillame sa nakatatandang kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano.
May mga lumulutang na balita na hindi umano boto si Laarni sa ama ng kanyang magiging unang apo.
Since annulled na ang kasal ni Bernard sa kanyang ex-wife na si Meryll, puwede niyang pakasalan si Jerika.
Speaking of Jerika, gaano kaya katotoo ang balitang ikinasal na siya noong June 12, 2007 sa Las Vegas, Nevada sa isang nagngangalang Patrick Daniel Rosales Lyttle, Jr.?
Rocco pumirma ng kontrata sa Viva, isasabong sa Miss X ni Cristine
Pumirma ng two-year movie contract sa Viva Films ang rumored BF ni Lovi Poe na si Rocco Nacino. First project ni Rocco sa Viva ang Miss X na pagbibidahan ni Cristine Reyes.
Kahit obvious na sila, ayaw pa ring magsalita ni Rocco sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Lovi.
Erich at Enchong pagtatambalin sa Princess…
Muling pagtatambalin ng Star Cinema sina Erich Gonzales at Enchong Dee sa pelikulang Once a Princess na ididirek ni Laurice Guillen.
Si Erich ay nakatambal ni Coco Martin sa nagtapos na Juan dela Cruz TV series at si Enchong naman ay nagmula sa Muling Buksan ang Puso with Julia Montes at Enerique Gil.
Regine lilipad ng London para sa Miss Saigon
Nangako pala ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na panonoorin niya si Rachelle Ann Go sa bagong season ng Miss Saigon sa London sa buwan ng Mayo bilang suporta sa singer-actress. Malapit kay Regine si Rachelle Ann dahil bukod sa naging kampeon ito sa isang amateur singing contest na si Regine ang host, nagkalapit silang dalawa sa dating Party Pilipinas.
Proud si Regine sa narating ni Rachelle Ann bilang isang mang-aawit at ngayon sa kanyang pagganap sa papel na Gigi sa Miss Saigon na pinagbidahan noon ni Lea Salonga.
Daniel yayanigin uli ang Araneta
Tiyak na muling dudumugin ng mga fans ni DaÂniel Padilla at ng tambalan nila ni Kathryn Bernardo ang nalalapit na muling pagbabalik ng teen idol sa Araneta Coliseum on April 30.
Matapos punuin ni Daniel ang Araneta Coliseum sa kanyang first major concert last March, muli na naman niyang yayanigin ang Big Dome sa kanyang Daniel Padilla at the Big Dome concert on April 30. Siyempre pa, hindi puwedeng mawala sa kanyang concert ang kanyang special someone at ka-love team na si Katryn Bernardo.