Mang Gerry nailibing na
Naihatid na sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park sa Plaridel, Bulacan kahapon, Feb. 7 ang ama ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na si Mang Gerry Velasquez.
Naiwan ni Mang Gerry ang kanyang asawang si Aling Teresita, mga anak na sina Regine, Cacai, Jojo, Diane, at Deca, ang kanyang mga manugang at mga apo.
Matapos ang libing ay haharapin naman ng mag-asawang Regine at Ogie (Alcasid) ang kanilang magkahiwalay na Valentine concerts, si Regine sa kanyang Voices of Love with Martin Nievera sa SM-MOA Arena on February 14 at may three-day Valentine concert series naman si Ogie sa Music Museum from February 13-15, ang SamaÂhang Walang Ka-Valentine kung saan niya special guest ang singer-actress na si Solenn Heussaff with Ryan Cayabyab as musical director.
Muling pinatunayan nina Regine at Ogie ang kaÂsabihang `the show must go on’ sa kabila ng kaÂÂÂÂÂÂÂni-Âlang pinagdaanan sa pagkawala ng `leader of the band’ na si Mang Gerry.
Kuya Germs walang planong mag-retiro
Tiyak na star-studded ang debut ng Walang Tulugan with the Master Showman ni German `Kuya Germs’ Moreno ngayong midnight sa GMA.
Parang kailan lamang nang simulan ni Kuya Germs ang kanyang late night show na Master Showman na sa kalaunan ay naging Walang Tulugan with the Master Showman dahil hatinggabi na ito napapanood sa Pilipinas at araw naman sa ibang bansa ng GMA Pinoy TV.
Ewan namin kung anong sikreto meron si Kuya Germs dahil hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinagpupuyatan ng mga manonood ang kanyang programa.
Wala pa sa bokabularyo ni Kuya Germs ang magretiro.
“Hangga’t kaya ko pa at hangga’t nariyan pa rin ang suporta sa akin ng GMA at ng mga manonood, hindi ako titigil,†pahayag ni Kuya Germs.
- Latest