Kasalukuyang nasa Washington DC sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. dahil invited sila sa 62nd National Prayer Breakfast na gaganapin sa international ballroom ng Hilton Washington Hotel.
Si US President Barack Obama lang naman ang speaker sa 62nd National Prayer Breakfast kaya excited na excited sina Mama Vicki at Hayden.
Napatunayan ni Mama Vicki na totoo ang kanyang dialogue na “It’s true. Put God first and all will be added on to you.â€
Vhong bawal samahan ng mga nega
Nagpunta kahapon si Vhong Navarro sa Department of Justice para sa mga kaso na isasampa niya laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo na nambugbog sa kanya noong January 22.
Kinunan at sinubaybayan ng Startalk ang pagpunta ni Vhong sa DOJ. May interview din kami ni Papa Ricky Lo kay Vhong at mapapanood ito sa Startalk sa darating na Linggo.
Nakapanayam namin si Vhong sa isang lugar sa Quezon City. As usual, mahigpit ang security at understandable ito dahil maselan ang isyu. Hindi pinapasok ang mga tao na wala ang name sa listahan.
Medyo maayos na ang kalagayan ni Vhong. Nawala na ang pamamaga ng kanyang mukha pero may lungkot pa rin sa mga mata niya. Hindi talaga dapat mawalan ng kasama si Vhong pero mga tao na masayahin at hindi nega ang dapat na nakapaligid sa kanya para makalimutan niya kahit pansamantala ang traumatic experience na pinagdaanan.
Bukas ko ikukuwento sa inyo ang mga sidelight ng muling paghaharap namin ni Vhong sa pangalawang pagkakataon.
Yassi nagka-career nang hiwalayan si Sef?!
Mabuti na lang, nalipat ang venue ng ABNKBBSNPLAko ng Viva Films dahil masyadong malayo sa akin ang The Library.
Inilipat sa isang Quezon City restaurant ang presscon ng pelikula nina Jericho Rosales at Andi Eigenmann at pabor ito sa invited reporters.
Ang The Library ang madalas na venue ng mga presscon ng Viva Films projects dahil sila na ang isa sa may-ari ng Metrowalk branch ng sikat na sing-along bar.
Ang The Library ang venue ng unang presscon ng ABNKBBSNPLAko at sinundan ito ng presscon ng pagpapakilala kina Andre Paras, Josh Padilla, Sam Pinto, at Yassi Pressman bilang mga bagong VJ ng MTV Pinoy.
Happy para kay Yassi ang kanyang fans dahil napapansin na siya at nabibigyan ng mga project. Nagbunga na raw ang mga paghihintay at pagtitiyaga ng ex-dyowa ni Sef Cadayona. May mga nagsasabi pa na gumanda ang takbo ng career ni Yassi mula nang maghiwalay sila ni Sef.
Mang Gerry ngayon na ang libing
Ngayon ang libing ni Mang Gerry Velasquez sa Manila Memorial Park Plaridel, Bulacan. Kung nasaan man si Mang Gerry, tiyak na happy siya dahil kahit nagluluksa sa kanyang pagkawala, hindi nagkansela si Regine ng mga show kaya tuloy na tuloy sa February 14 ang Voices of Love, ang Valentine concert nila ni Martin Nievera.
The show must go on para kay Regine. Nakaburol man ang tatay niya, sinipot ni Regine ang kanyang show sa isang hotel noong Miyerkules ng gabi. Pagkatapos ng show, saka siya bumalik sa Manila Memorial Park sa Bulacan.
Mapapahiya sa professionalism ni Regine ang mga artista na nagpapanggap na may sakit kapag tinatamad sila na mag-taping at mag-shooting. Sila ang mga uri ng artista na hindi nagtatagal sa industriya dahil hindi nila minahal ang kanilang trabaho. Bukod sa kanyang talent, ang pagiging propesyonal ang sikreto ng durability ni Regine