Vhong nakalabas na ng ospital, humarap sa DOJ

Nilagdaan ni Vhong Navarro ngayong Biyernes, Pebrero 6, 2014, ang kanyang supplemental affidavit laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo. DOJ Twitter account

MANILA, Philippines -  Humarap ang aktor Vhong Navarro sa Deparment of Justice ngayong Huwebes upang ihain ang kanyang supplemental complaint affidavit laban sa mga umano'y 'bumaboy' sa kanya.

Lumabas ng St. Luke's Hosital ang TV host matapos ang dalawang linggong pagpapagaling kasunod nang umano'y pambubugbog  sa kanya ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee at modelong Deniece Cornejo.

Kasamang dumulog ni Navarro sa DOJ ang kanyang abogadong si Alma Mallong kung saan sinabi nilang may mga nilinaw lamang sila mula sa naunang sinumpaang salaysay.

Kaugnay na balita: Areglo at hindi pangingikil ang ginawa ni Lee kay Vhong - Fortun

Sinabi ng "It's Showtime" host na ayaw na niyang sapitin muli ang kanyang dinanas mula sa kamay ng grupo nina Lee.

"Ayoko na po maulit ito. Salamat sa suporta," banggit ni Vhong sa isang panayam sa radyo.

Nahaharap sa patung-patong na kaso sina Cornejo, Lee at iba pa nilang kasamahan dahil sa umano'y pagpapahirap kay Navarro noong Enero 22 sa Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City Taguig.

Kaugnay na balita: Security agency sa 'pambababoy' kay Vhong, kinasuhan

Isinama na rin sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration sina Lee at Cornejo, ngunit sumagot ang kampo ng dalawa na haharapin nila ang mga paratang sa kanila ni Navarro.

Show comments