MANILA, Philippines - Masaya ang TV host/actress Anne Curtis na natupad ang kanyang pangarap maging sirena matapos ibigay sa kanya ang role na "Dyesebel."
Sinabi ng Kapamilya star na hindi naman siya nahihirapan sa paglangoy mala isda dahil nae-enjoy niya ito.
" Hindi, parang it came very naturally, naks!" pagbibiro ni Anne. "Parang siyempre bata ka pa lang pagkatapos mo manood ng The Little Mermaid, ang utak ng isang bata, gusto nila maging mermaid di ba?
“So kahit nasa swimming pool ka man o nasa beach ka alam ko in one point in your life na-imagine mong nag-swimming ka na parang mermaid. So this time, it's happening for real."
Pinabulaanan din niya ang mga balitang aalis na siya sa noontime show "It's Showtime."
Nilinaw ng Kapamilya star na mawawala siya paminsan-minsan dahil sa kanyang taping ng bagong teleseryeng "Dyesebel" sa Coron, Palawan.
“No, I'm not leaving Showtime,†paliwanag ni Anne. “Of course there will be days na absent ako, pero 'di po ako aalis ng Showtime. We're just doing Monday absences, two to three days, depende kung out of town. Pero hindi ako aalis, every week naman you'll see me in Showtime.â€
Samantala, wala pang plano si Anne na pakasalan ang kayang longtime boyfriend Erwan Heusaff dahil hindi pa siya handa.
“Naku, hindi pa 'yan, matagal pa," sagot ng aktres. "If you're ready you'll know. For me it could happen tomorrow, next week, next month—if you know it's the right time, you'll know. Nothing will stop it from happening."