AiAi at Daniel Matsunaga na?!

Nag-audition sa bagong edisyon ng Pinoy Big Brother (PBB) ang panganay na anak ng comedy queen na si AiAi de las Alas na si Sancho na gusto na umanong pumasok sa showbiz. Noon ay atubiling payagan ni AiAi ang kanyang tatlong anak na mag-showbiz dahil priority ng mga ito ang kanilang pag-aaral. Since nakapagtapos na si Sancho ng culinary arts, pumayag na si AiAi habang ang dalawa pa niyang mga anak na sina Sean Nicolo at Sofia ay parehong nag-aaral sa Amerika at kasama ng kanilang amang si Miguel Vera at family nito. 

Magdi-debut ang kaisa-isang anak na babae ni AiAi na si Sofia sometime in April pero hindi makakadalo ang singer-comedienne dahil may taping siya ng Dyesebel.

Samantala, pagdating sa larangan ng pag-ibig, nakapag-move on na siya sa traumang pinagdaanan sa kanyang short-lived romance and marriage kay Jed Salang pero hindi naman daw ito nangangahulugan na sarado na ang kanyang puso.

Kahit anong panunukso ang gawin ng iba kay AiAi linking her to Brazilian-Japanese actor na si Daniel Matsunaga, ayaw niyang pumatol dahil sobra raw bata ito. Si Daniel ay ex-boyfriend ni Heart Evangelista at na-link din kay Kris Aquino.

Manganganak sa showbiz, sunud-sunod na

Si Rica Peralejo-Bonifacio ang kauna-unahang female celebrity na nagsilang ng kanyang first baby (by husband Joseph Bonifacio) last January 17.  Ito’y baby boy na pinangalanan nilang Philip Nathaniel.

Anyday naman within this month ay nakatakda ring isilang ni Jolina Magdangal-Escueta ang kanilang panganay ng husband niyang si Mark Escueta. Baby boy din ang magiging panganay ng mag-asawa na may nakahanda nang panagalan, Pele Iñigo Escueta. Ang Pele ay salitang Hebrew na ang ibig sabihin ay miracle.

Another expectant mom this year ay si Jerica Ejercito courtesy of boyfriend Bernard Palanca, da­ting boyfriend ni Rica Peralejo at ex-husband ni Meryl Soriano kung kanino ito may isang anak na la­lake. Limang buwan na ang ipinagbubuntis ngayon ni Jerica. Kung gugustuhin ni Bernard na pakasalan si Jerica, posible na ito dahil annulled na ang kasal nila ng ex-wife niyang si Meryl Soriano, anak ni Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano, nakatatandang kapatid ni Maricel Soriano.

Show comments