Matapos makaligtas sa aksidente Melanie Marquez uubusin ang oras sa pagsamba!

PIK: Isi-celebrate ni Jose Manalo ang kanyang kaarawan sa Celebrity Bluff na mapapanood sa Sabado.

Mga Dabarkads ng Eat Bulaga ang maglalaro na sina Ruby Rodriguez, Paolo Ballesteros at Anjo Yllana. Si Gladys Guevarra ang isa sa gangnam, na nakisali pa sa landian nina Jose at Eugene Domingo.

Pero may rebelasyon si Paolo sa episode na iyun na kaya niya ginawa ay para sa kaa­rawan ni Jose.

PAK: Namataan namin sa GMA 7 si Martin del Rosario kasama si Lauren Young.

Sabi ni Lauren, doon lang daw sila nagkita sa GMA 7 at nagkasabay na lang silang kumain sa canteen.

Inamin naman ni Martin na nagkaroon siya ng meeting sa GMA 7, pero wala pa raw final na napagkasunduan kung lilipat at magiging Kapuso na siya.

BOOM: Dumating na pala si Melanie Marquez ng bansa  kamakalawa lang para magbakasyon dito nang matagal-tagal.

Sabi ng beauty queen/actress, lalo siyang napalapit sa Diyos kaya gusto niyang gugulin ang oras niya rito sa pagsamba at mga activities sa Church of the Latter Day Saints.

Pero gusto ring ibahagi ni Melanie ang na­tutunan niya at na-realize sa sakunang nangyari sa kanya na muntik na niyang ikinamatay.

Abangan ang exclusive interview ng Startalk kay Melanie Marquez sa Linggo.

Show comments