^

PSN Showbiz

Bigtime na talaga Ryzza Mae P8.5 M ang target na bahay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kung P2 million ang bonus na ibinigay ni Kris Aquino kay Ryzza Mae Dizon at P5 million naman natanggap ng bagets mula kay Vic Sotto ay puwedeng-puwede nang bumili ng bagong bahay ang Aling Maliit.

Konti na lang ang idadagdag ng madir ni Ryzza Mae dahil parang P8.5 million ang presyo ng bahay na type nila na bilhin, isang bahay na dapat malapit sa school na pinapasukan ng bagets.

Kapag nabili na ng mag-ina ang kanilang dream house, iiwanan na nila ang condo unit na tinitirhan sa Quezon City.

Nagmamadali si Ryzza Mae at ang nanay niya nang magkita kami sa isang coffee shop noong Martes dahil pupunta pa sila sa taping ng Vampire ang Daddy Ko sa Marikina City. Marami pa sana akong itatanong sa madir ni Ryzza. Next time na lang uli kapag nagkita kami sometime, somewhere.

Linggit Tan pakakasal sa simbahan

Nag-dinner kami ng ABS-CBN executive na si Linggit Tan noong Martes dahil kinuha niya ako na ninang sa church wedding nila ng kanyang mister.

Sa July pa ang church wedding ni Linggit pero maaga niya akong kinausap para maayos ko raw ang sche­dule ko. Parang ang busy-busy ko ‘ha?

Ikakasal si Linggit at ang kanyang mister  (ikinasal na sila noon sa huwes) sa isang simbahan sa Quezon City. Alas-otso ng umaga ang kasal at sa hapon, 4:00 p.m., ang wedding reception sa beach resort nila sa Lobo, Batangas.

Napuntahan ko na ang magandang beach house ni Linggit sa Lobo. Kapit-bahay niya sina Gabby Concepcion, Amy Austria at ang mag-asawang Sandy Andolong at Christopher de Leon.

Kitang-kita mula sa beach house ni Linggit ang Mindoro at ang Isla Verde na idineklara ng Philippine Tourism Authority bilang isa sa marine reservoirs ng ating bansa.

Sec. Roxas sapul sa speech ni Lito Atienza

Lumikha ng ingay ang privilege speech ni Buhay Party List Rep. Lito Atienza noong Martes dahil sa kanyang maaanghang na statement.

Nakatutok ang buong bansa sa kaso ng pambubugbog kay Vhong Navarro kaya napagtuunan din nila ng pansin ang speech ni Papa Lito na dedicated kay DILG Secretary Mar Roxas.

Concerned na concerned si Papa Lito sa lumalala na kundisyon ng peace and order ng ating bansa kaya nakapag-dialogue siya kay Papa Mar  ng “If you cannot handle your jobs, become private citizens yourselves. Kung hindi mo kaya ang trabaho mo, magmaneho ka na lang ng taxi para mapasyal mo ang dapat mong ipasyal.”

Dinagdagan pa niya ang kanyang speech ng “Bakit blue guards ang magbabantay kay Vhong, whereas dapat our very own policemen should secure him? Kung hindi kaya ng pulis na bantayan si Vhong Navarro, paano pa ‘yung ordinary citizens?”

Naalaala ko tuloy na blue guards ang nakabantay sa hospital room ni Vhong nang dalawin ko ito noong nakaraang Huwebes.

In fairness, ginagawa ng mga blue guard ang kanilang mga tungkulin dahil ang higpit-higpit nila pero iba pa rin kung mga pulis ang nagbibigay ng proteksiyon kay Vhong.

Knowing Papa Mar, tiyak na sasagutin niya ang mga paha­yag ni Papa Lito na seryosong-seryoso na sinabi na “The DILG must work doubly hard and Secretary Roxas must assert leadership. General Purisima should not just think of privatizing the PNP, banning the sale of hammers in malls, banning back riding among motorcycle owners and definitely not the death penalty. The PNP should instead use all its resources in crime prevention and putting criminals in jail and if necessary augment the police force and provide better training.”

vuukle comment

ALING MALIIT

LINGGIT

LINGGIT TAN

LITO ATIENZA

PAPA LITO

QUEZON CITY

RYZZA MAE

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with