ABS-CBN, DZMM, and MOR 101.9, hinakot ang Best Station Awards sa 2014 Gandingan

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpasok ng bagong taon ay ang pag­pasok din ng mga parangal para sa ABS-CBN mula sa katatapos lang na Gandingan 2014: The 8th UPLB Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards kung saan kinilala ang Kapamilya Network bilang Most Development-Oriented TV station at DZMM bilang Best AM station sa dalawang magkasunod na taon, at ang MOR 101.9 naman bilang Best FM station.

Nakakuha ang ABS-CBN ng 21 parangal mula sa mga estudyante ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB).

Wagi ang ABS-CBN sa television categories kabilang ang TV Patrol na kinilalang Best News Prog­ram, The Bottomline bilang Best Development-Orien­ted Talk Show at ang host nito na si Boy Abunda bilang Best Development-Oriented Talk Show Host, Maalaala Mo Kaya bilang Best Development-Oriented Drama Program, Wansapanataym bilang Best Development-Oriented Children’s Program, Matanglawin bilang Best Educational Program, My Puhunan bilang Best Livelihood Program para sa episode nitong Lugaw Queen, at ang El Gamma Penumbra plug ng Choose Philippines bilang Best Development-Oriented TV Plug. Ginawaran din ang ABS-CBN ng Gandingan ng Kaunlaran award.

Nanguna naman para sa radio categories ang DZMM at MOR 101.9 kung saan pinarangalan si Ted Failon bilang Best AM Announcer, Failon Ngayon bilang Most Development-Oriented Radio Program, Suriang Bayan sa SRO bilang Most Development-Oriented Radio Plug, DJ Chacha bilang Best Disc Jock, at Dear MOR bilang Most Development-Oriented FM Program.

Samantala, muling naiuwi ng broadcast journalist at TV personality na si Kim Atienza ang Gandingan ng Edukasyon special award, ganoon din ang radio host na si Carl Balita na kinilala ring muli bilang Gandingan ng Kabuhayan.

Ginawaran din ng special citations ang programang Ba­yanijuan: Leptospirosis ng ABS-CBN North Central Luzon para sa Best Regional TV Program at TV Patrol Pa­lawan ng ABS-CBN Palawan para sa Best Regional News Program.

Ang Gandingan Awards ang taunang awards program ng UP Community Broadcaster’s Society sa UPLB. Mahigit isang libong estudyante ng UPLB ang bumoboto taun-taon ng mga programa at perso­nalidad na nagtataguyod ng mga isyu para sa kaunlaran.

 

Show comments