Habang masaya si Regine Velasquez sa pocket presscon ng Valentine concert nila ni Martin Nievera, namaÂyapa na pala ang kanyang mahal na ama sa ganap na 1:39 ng hapon kamakalawa na nagkataon pang ika-42nd birthday ng nakababata niyang kapatid ni Regine na siya rin niyang tumatayong maÂnager na si Cacai Velasquez-Mitra.
Nung nasa bakuran pa ng OctoArts si Regine, hindi ko makakaliÂmutan na nagku-commute pa ang mag-amang Mang Gerry at Regine gaÂling Bulacan para lamang sa mga commitments ng singer-actress. We also booked her sa Circus Circus sa loob ng SM-North EDSA na pag-aari noon ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario with P500 talent fee. Nasundan ito ng pagkanta ni Regine sa Chicken Benedict along West Avenue in Quezon with another P500.00 as talent fee.
Si Mang Gerry ang tumayong coach-mentor at official chaperon ni Regine sa kanyang mga lakad. Bumitaw na lamang si Mang Gerry sa kanyang pagsama-sama sa panganay na anak nang ito’y mag-asawa (kay Ogie Alcasid). Nang kumalas si Regine sa maÂnagement company ni Ronnie Henares, her younger sister na si Cacai ang pumaÂlit at tumayong maÂnager niya hanggang ngayon. Ang mister naman ni Cacai na si Raul Mitra ang tumayong musical director ni Regine in all her live concerts.
Sa patuloy na pagsikat ni ReÂÂgine, unti-unting gumanda ang buhay ng pamilya Velasquez, nakapagpatayo sila ng maÂgandang bahay sa Bulacan at napagtapos ni Regine ng pag-aaral ang kanyang young siblings na sina Cacail, Jojo (only broÂther), Diane at Deca na may kani-kanyang pamilya na rin ngayon.
Sa pagpanaw ni Mang Gerry, hindi lamang ang pamilÂya Velasquez ang nagluluksa. Naging bahagi na rin siya sa local music industry dahil sa kanyang malaking kontribusyon sa paghubog sa kanyang panganay na si Regine Velasquez-Alcasid bilang isa sa mga music icons ng bansa.
Paalam, Mang Gerry…