Puwede na raw mag-artista ni Deniece Cornejo sa rami at laki ng publicity na nakukuha niya. Malaki nga pero, negatibo naman ang dating. Kung mag-aartista siya, magpaÂlamÂpas muna siya ng maÂhabang panahon. Sa ngayon, hinÂding-hindi maganda ang imahe niya sa publiko. Mababastos at maÂbabastos lamang siya.
Angel at Luis may kasalan agad kahit hindi pa malinaw na nagkabalikan na
Totoo ba ‘yung kasalang nababalita kina Angel Locsin at Luis Manzano? Meron na ba talaga silang romansa uli? Marami kasi ang ayaw maniwala kasi parang promo raw. Promo saan? Wala naman silang proyekto na magkasama. Hindi naman siguÂro papayag ang isa man sa kanila na pagamit sa isa para naman sa ikatatagumpay ng sari-sarili nilang proyekto.
Mariel ‘di pa kinukuha ng ABS-CBN
Sana makabalik na nga si Mariel Rodriguez Padilla sa ABS-CBN. Mukhang gusto niyang bumalik dito. Wala naman sigurong problema dahil magaling naman siyang host.
At payag din naman si Robin Padilla na maging host siya. Huwag lang yata pag-aartista dahil seloso daw siya, ayaw niyang magkakaroon ito ng eksena ng romansa sa kanyang maÂkakapareha. At aminado ang aktor sa pagiÂging seloso niya.