Matapos makasuhan ng patung-patong sa pambubugbog kay Vhong, parang si Sen. Bong, Cedric Lee abala sa pagba-Bible study!

MANILA, Philippines - Uy abala pala ngayon sa pagba-Bible study ang pangunahing akusado sa pambubugbog sa TV host and comedian na si Vhong Navarro.

Yup, you read it right. Meron daw personal Pastor si Mr. Cedric Lee na nagpupunta sa kanilang bahay ayon sa isang isang friend na ka-Bible group din ng Nigerian pastor ng kontrobersiyal na businessman.

Actually, ayon sa kausap kong kilala ang Pastor ni Cedric Lee,  matagal-tagal na raw itong nagba-Bible study bago pa ang nasabing bugbugan kay Vhong. Pero after daw ng insidente, mas madalas na raw ang pag-aaral nito ng salita ng Diyos kasama ang tunay na pamilya – asawa at mga anak.

Kaya nga raw nanghihingi ng prayers ang nasabing pastor sa ilang ka-Bible group nila pero nagre-react daw ang iba na bakit naman nila kailangang ipag-pray si Mr. Lee eh hindi nagtugma ang mga sinabi nito sa inilabas na CCTV ng NBI.

So ito pala ang sagot sa tanong ng marami kung nasaan na si Mr. Lee na big­lang nanahimik pagkatapos na maglabas ng CCTV ang NBI. Pero nakapagpa-interview naman siya bago pa sila nakasuhan ni Vhong.

Kahapon ay lumabas ang balitang walang kahit isang sirang furniture or appliances sa condominium unit ni Ms. Cornejo nang pasukin ito ng NBI.

 â€œNakasabit pa rin ‘yung TV. Sinabi naman ni Mrs. (Soledad) Ramos (may-ari ng condo) na so far wala naman siyang nakitang mga gamit na nadagdag o nabawas doon nung pinagamit niya ‘yung kay Mr. Greg Binunus,” sabi ni Atty. Rommel Ramirez ng NBI.

So  ang Malaysian ang nagrerenta at pinatira lang niya rito si Ms. Cornejo.

Ang pag-aaral din ng mga Salita ng Diyos ang pinagkaabalahan ni Sen. Bong Revilla nang masangkot siya sa pork barrel scam.

Matapos matsismis na showbiz name ang Cornejo Deniece cornejo, half sister daw ni Wency Cornejo

May semblance of truth kaya ang bulong ng isang kakilala na hindi totoong Cornejo ang apelyido ng kontrobersiyal na babaeng si Deniece na nagdemanda ng rape kay Vhong Navarro?

Nang makilala raw kasi niya (source) si Deniece, isang kilalang tao sa industriya ang kasama nito. Magka-holding hands pa raw si Ms. Cornejo at ang nasabing mataas na tao at talagang iba ang sinasabi ng body language. Alam mo raw na may nagaganap na kakaiba.

“Mukha pa siya nung probinsiyana. Maganda na siya pero hindi siya ganyan kaganda,” sabi ng source kahapon.

Kaya nga raw nagulat siya nang lumutang si Deniece na nag-aakusa ng rape kay Vhong.

Samantala, may tumawag naman sa opisina namin kahapon na nagsabing kilala raw niya ang pinagmulan ni Deniece Cornejo. Half sister diumano ito ni Wency Cornejo dahil ang tatay diumano nito ay ang da­ting asawa ni Mel Tiangco.

Marami pa siyang sinabi tungkol sa pagkatao ng woman of the hour pero mahirap patulan dahil walang magpapatunay sa mga sinasabi niya.

Pahaba na talaga nang pahaba ang kuwento tungkol sa pagkatao ni Ms. Cornejo na lahat sila ay nagsasabing tahimik na tao raw ito bago iniladlad ang sarili sa publiko.

Buong entertainment industry kinondena ang ginawa kay Vhong

Nakatanggap ako ng letter of support mula sa mga namumuno ng showbiz industry para kay Vhong Navarro.

Si Manay Ichu Maceda ang nagpadala ng sulat na pirmado ng mga presidente ng iba’t ibang samahan sa industriya.

Narito ang kabuuan ng letter :

On January 24, 2014 the entire Philippine entertainment industry was shocked to learn of the horrible incident involving TV host-actor Vhong Navarro. No one has any right to inflict torture on anyone regardless of his economic or social standing in society. Let the law prevail, let the court decide.

In view of this, the undersigned leaders and officers representing the various sectors of the Philippine entertainment industry, unilaterally regret and denounce the brutal attack against our colleague, Mr. Navarro. We likewise express full support in his plea for justice.

We fervently urge the concerned government agen­cies to put an end to the thriving culture of violence and impunity and diminishing sense of humanity in our country.

REZ CORTEZ, President, Katipunan ng mga Artista Ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon; ORLY ILACAD, President, Phil. Motion Picture Produ­ cer’s Association of the Philippines; BOOTS ANSON-ROA, President, MOWELFUND: Movie Workers Welfare Foundation; ROLANDO DUENAS, V.P. External Affairs, National Cinema Association of the Philippines; LEONARDO MONTEVERDE, Chairman, Anti-Film Piracy Council;

LEO MARTINEZ, Director-General, Film Academy of the Philippines;

JOEL LAMANGAN, President, Director’s Guild of the Philippines;

JUNE RUFINO, President, Professional Artist Managers;

WILSON TIENG, President, Movie Producer’s Distributors Association of the Phi­lippines.  (SVA)                                               

 

Show comments