^

PSN Showbiz

Iza nag-iba ang aura

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi ikinakaila ng actress-TV host na si Iza Calzado na matabang-mataba siya noon bago pa man siya pumasok sa showbiz. When she finally decided na gusto niyang mag-artista, kinarir niya ang pagpapayat kaya hindi siya nakita ng publiko na mataba.

Kahit isa nang Kapamilya ngayon si Iza, hindi niya inaalis ang kanyang malaking utang na loob sa Kapuso Network dahil doon siya nagsimula at nagkapangalan.

It was in January 12, 2012 nang lumagda si Iza ng three-year exclusive contract with ABS-CBN. Bukod sa kanyang exposure sa Maalaala Mo Kaya, agad siyang binigyan ng sarili niyang teleserye, ang Kahit Puso’y Masugatan kung saan niya nakatrabaho sina Gabby Concepcion, Jake Cuenca, at Andi Eigenmann.

Si Iza ang bagong host ng local franchise ng The Biggest Loser – Pinoy Edition Doubles originally hosted by Sharon Cuneta na lumipat ng TV5. May pelikula rin siya sa Star Cinema, ang Starting Over Again kung saan niya kasama sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga mula sa direksiyon ni Olive Lamasan at pang-Valentine offering ng Star Cinema. Regular na rin siyang napapanood sa ASAP tuwing araw ng linggo.

Marami ang humanga kay Iza nang ito’y huling humarap sa entertainment media na may kinalaman sa pelikula nila nina Piolo at Toni dahil bukod sa napaka-seksi nito ngayon, ibang-iba ang kanyang aura at ito’y dahil na rin sa masaya ang takbo ng kanyang career at ng kanyang love life.

Sayang nga lamang at hindi na nasaksihan pa ng kanyang ama ang magagandang bagay na nangyayari sa kanya ngayon. Si Iza ay anak ng yumaong dancer-choreographer-floor director na si Lito Calzado. Ulilang lubos na si Iza dahil matagal na ring sumakabilang-buhay ang kanyang Irish-Spanish-Filipina mother na si Mary Ussher.

Bagong show nina Boy at Kris interactive

Ang pagkakaibigan nina Kris Aquino at Boy Abunda ay nagsimula sa Startalk sa bakuran ng GMA. Nagkasama rin silang dalawa na lumipat ng ABS-CBN para naman maging host ng The Buzz. Matagal nang umalis si Kris sa The Buzz na ilang beses nang nagpalit ng co-hosts ni Boy hanggang sa mag-reformat ang programa at gawin itong Buzz ng Bayan. Nagkasama rin noon sina Kris at Boy sa panggabing showbiz program na Showbiz News Nga­yon. Ang dalawa ay muling magsasama sa bagong entertainment inter-active talk show na Aquino & Abunda Tonight isang nightly show na magsisimula nga­yong February 10.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

ANDI EIGENMANN

BIGGEST LOSER

BOY ABUNDA

GABBY CONCEPCION

IZA

IZA CALZADO

SI IZA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with