PIK: Bongga kung magbigay ng regalo si Regine Velasquez sa taong mahal niya, kaya wala siyang panghihinayang nang bigyan niya ng isang bagong BMW si Ogie Alcasid bago sila nagpakasal.
“Parang bakla lang ang peg ‘di ba? Nagbibigay ng kotse sa lalaki,†natatawang pahayag ng Asia’s Songbird sa mini-presscon nito para sa concert nila ni Martin Nievera na Voices of Love na gaganapin sa SM MOA Arena sa February 14.
Mahilig daw kasi talaga silang magbigayan ng regalo, pero natalbugan niya si Ogie dahil sa kotseng binigay niya.
Pero ang nakakatuwa naman daw kay Ogie, kung magbigay ito ng regalo talagang pinag-isipan daw at may effort talaga.
Naging masaya si Regine sa nasabing presscon at mahigit isang oras pa lang siyang nakakaalis, kinumpirma ng kapatid nitong si Cacai Mitra sa publicist nilang si Jun Lalin na sumakabilang buhay na nga ang kanilang ama na si Gerry Velasquez, na kilalang Mang Gerry sa buong showbiz.
Ayaw lang idetalye ni Regine ang karamdaman ng kanyang ama dahil tipid ang mga pahayag nito pagdating sa kalagayan ni Mang Gerry.
Pero nitong mga nagdaang araw, sinasabi ni Regine na nakalabas na ng hospital ang papa niya at nakatira raw ito pansamantala sa tahanan ni Cacai.
Doon daw nila dinadalaw madalas at ang Linggo nga ang bonding ng buong pamilya kasama ang kanilang ama.
Kahapon sa presscon ng concert nila ni Martin, na-late nang dating si Regine at sinabi nga niyang may emergency lang daw sa pamilya.
Sinabi naman niyang isinugod nila sa hospital si Mang Gerry pero okay naman daw ito.
Pero habang ini-interview namin ang Asia’s Songbird, nakatanggap ito ng tawag at minamadali na siyang umalis dahil kailangan daw niyang bumalik ng hospital.
Pagkalipas ng halos isang oras lang, tinawagan ni Jun si Cacai kung totoo nga ba ang kumalat na balitang sumakabilang-buhay na si Mang Gerry. Kinumpirma naman ng kapatid ni Regine pero hindi pa nila masabi ang buong detalye dahil nasa hospital pa sila nung mga oras na iyun.
Ang amin pong pakikiramay kay Regine at ang buong pamilyang iniwan ni Mang Gerry.
PAK: Pinatulan na ni Heart Evangelista ang isang basher na nilait ang pag-i-interview niya kay Deniece Cornejo sa Startalk kamakalawa ng hapon.
Aminado si Heart na hirap siya sa interbyung iyun dahil halata namang kay Vhong Navarro ang simpatiya niya.
Ayaw lang niyang aminin sa amin, pero halatang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ni Deniece.
May mga narinig si Heart na ibang kuwento tungkol kay Deniece at pati kay Cedric Lee pero ayaw naman niyang i-share sa amin, at baka raw ikalat pa namin.
BOOM: Medyo matatagalan pa raw si Vhong Navarro sa hospital, dahil sa ilang pinsalang natamo niya sa pambubugbog sa kanya.
Pero ang isa raw sa magpapatagal sa kanya sa hospital ay ang psycholoÂgical treatment o therapy na ginagawa sa kanya ng Psychiatrist at Psychologist.
Hanggang sa ngayon ay matinding trauma pa rin daw ang nararamdaman ng actor/TV host na ayaw na nga niyang panoorin sa TV ang mga interviews kay Deniece at Cedric.
Kaya tinitiyak pa raw muna ng mga doktor na psychologically ready na si Vhong bago ito payagang lumabas.