Nagkausap na raw sina Charice at ang kanyang lola matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ilang buwan na ang nakalilipas. Matatandaang lumabas ang lola ni Charice sa telebisyon kamakailan at sinabi nito na muntik nang magpakamatay ang kanyang apo dahil sa problema sa buhay. Nagkita raw ang dalawa sa isang show ng singer sa Laguna kamakailan.
“I finally spoke with my lola. Actually, I didn’t know. May show po ako sa Pavilion Mall sa Binan and she was there, nanood siya. We talked,†bungad ni Charice.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay naipakilala na rin daw ng singer sa kanyang lola ang kasintahang si Alyssa Quijano. “It was a very touching moment kasi she talked to her and she said ‘Alagaan mo ang apo ko.’ I never thought na mangyayari ‘yun nang gano’n kaaga,†kuwento ng singer.
Ngayong nagkasundo na ang mag-lola ay umaasa naman si Charice na malapit na rin silang magkaayos ng kanyang inang si Raquel Pempengco. “Siyempre kung nangyari ‘yun (pagkakaayos nila ng lola) that time, malaki ‘yung hope na very soon, my mom will come around and everything will be okay. Family iyan,†giit ng singer.
Noong lumabas si Mommy Raquel sa Buzz ng Bayan kamakailan ay nabanggit nitong lagi raw bukas ang kanilang tahanan para kay Charice.
Kim, ‘di makapaniwala sa kinita ng pelikula
Pangatlong linggo na ngayong palabas sa mga sinehan ang pelikulang Bride for Rent na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Ayon kay Mico Del Rosario ng Star Cinema ay mahigit 300 million na raw ang kinita nito. Dahil dito ay nagpahayag ng pasasalamat si Kim sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. “good morning friends, romans, countrymen!!!!!! WOW!!!!! a GGGOOOOODDDDD MORNING indeed! maraming maraming 1,000,000,000x salamat po sa suporta nyo sa bride for rent!!!! :) unbelievable! overwhelming! basta lahat na! salamat po sa inyong lahat!!! :) #thankyoupapaGOD,†post ni Kim. Ayon pa sa aktres ay palabas na rin ngayon sa ilang mga sinehan sa Amerika at Canada ang kanilang pelikula.
Samantala, maging ang direktor nitong si Mae Cruz ay nagpasalamat din sa pamamagitan ng Instagram. “Feeling so blessed! Thank you God!!! And thank you to all the wonderful people you chose to be part of #brideforrent! Thank you too to all who watched and will watch the movie,†mensahe ng direktor.
Bukod kina Kim at Xian ay kasama rin sa nasabing proyekto sina Pilita Corrales, Tirso Cruz III, Dennis Padilla, Matt Evans, Martin del Rosario, at Empoy. Reports from JAMES C. CANTOS