Richard Yap aminadong matanda na!

Hindi nakapagtataka kung bakit napakabilis ng pagbulusok paitaas ng career ni Richard Yap na mas mabilis makilala sa pa­ngalan ng mga character na ginampanan niya sa TV. Tulad ng Papa Chen sa My Binondo Girl na nagtampok  sa tambalan nila ni AiAi delas Alas at sa love triangle nina  Kim Chiu, Jolo Revilla, at Xian Lim,  at Ser Chief sa Be Careful With My Heart na nagtatampok sa tambalan nila ni Jodi Santamaria. Bukod sa napakaganda ng kanyang PR skills ay hindi siya pumapatol sa mga negatibong bagay na nasusulat tungkol sa kanya.

“Hindi ko pinapansin. Not worth my time. I just focus on  positive things,” sabi niya tungkol sa kanyang mga detractor at bad publicities.

Isa rin si Richard sa mga baguhang artista na nagbukas ng kanyang pinto ng pakikipagkaibigan sa movie press by inviting them to the very first Chinese New Year that one Fil-Chinese  actor ever hosted for the media practitioners.

Nasiyahan din ang mga inimbita niya sa sarap ng pagkain na inihanda ng  Wang Fu, ang restaurant na pag-aari niya kasama ang ilang mga kaibigan para sa lahat na hindi nila regular na ioorder sa mga Chinese restaurant.

Inihayag ng aktor na may plano silang magkakaibigan na magdagdag pa ng branch ng Wang Fu. Balak din niyang magtayo ng dalawang branches ng Happy Lemon. Pero meron na siyang isang branch ng Chowking. Meron na rin siyang pet shop. Pagdating sa kabuhayan tila walang patid ang pagdating ng suwerte sa umaaming walang babaeng nagpapa­ramdam sa kanya dahilan daw siguro sa matanda na siya at may asawa na.

Hindi siya nanghihinayang na hindi nakaabot ng December filmfest ang Be Careful With My Heart. Mas naka­hi­nga siya ng maluwag na hindi ito naging pelikula dahil sa taping pa lamang ng teleserye ay hindi na sila magkandaugaga, paano pa nila isisingit ang shooting ng movie? Mabuti na lamang at mababawasan na ng isang araw ang apat na araw na inilalaan nila sa ta­ping ng  show. Mas mabibigyan na niya ng panahon ang kanyang pa­milya na tuwing weekends lamang niya nabibigyan ng panahon.

“We try to send quality time together. Kailangang gawin ko ito dahil baka makalimutan na nila ako,” sabi niya.

Bukod sa Be Careful..., may gagawin siyang indie film. Balak din ng mga nagma-manage sa kanyang career na ikuha pa siya ng mas maraming shows, live shows, at mini-concerts. May nagtanong kung bakit hindi siya mag-Araneta Coliseum pero inamin niya na hindi pa siya nakahanda sa ganun kalaking venue.

“Gusto ko mas malaki at mahabang paghahanda kapag dito ako nag-perform. Ayaw ko ng half-baked. Kung sakali, baka later in the year. Sa ngayon okay na muna ’yung maliliit ang concerts para maka-reach ako ng mas maraming fans,” sabi niya.

Guy may tatlong pelikulang ipalalabas sa Filmfest sa France

May tatlong movie si Nora Aunor na mapapanood sa 20th Festival International des Cinemas d’Asie sa France mula Feb. 11 hanggang Feb. 18. Ito ang Himala, Thy Womb, at Ang Kuwento ni Mabuti. For exhibition lang ang mga nasabing pelikula at hindi kasama sa competition tulad din ng Maynila sa Kuko ng Liwanag, Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?, Karnal, Ang Babae sa Septic Tank, Kubrador, Lola, La Independencia, at iba pa.

Ang pagpapalabas na ito ng mga pelikulang Pilipino ay sa kagandahang loob ng prodyuser ng Quantum Films na si Atty. Joji Alonzo na siya ring prodyuser ng Ekstra ni Vilma Santos na pinagtatakhan ng marami kung bakit hindi nakasama. Bakit nga kaya?

Club Mwah anniversary may pasabog

Pagdating talaga sa promosyon ng kanyang Club Mwah, wala ng tatalo pa kay Pocholo Mallilin na hindi lamang tumatayong nasa administrative side nito  at ang creative ay hinahawakan naman ng ka-partner niyang si Cris Nicolas.

May bagong panoorin ngayaon sa Club Mwah hindi lamang dahil bago ang taon kundi nagdiriwang ng kanyang anibersaryo ang Club Mwah sa pa­­ma­magitan ng isang twin bill presentation na pina­magatang Folliespiniana. Ang first part ay ta­tam­pukan ng isang cluster ng Broadway excerpts at Las Vegas Moulin Rouge-inspired production num­bers. Ang ikalawa ay mga Filipiniana dances na binigyan ng bagong lasa ni Cris at nakapaloob sa umbrella ng Bedazzled 13.

For reservations, you may call 535-7943 o 5322826.

Show comments