SCENE: Mawawala na ang Ikaw Na! segment ni Boy Abunda sa Bandila dahil sa Aquino and Abunda Tonight.
SEEN: Talamak pa rin ang pagpapalabas sa mga public bus ng pirated movies, both local and foreign.
SCENE: Hindi kumbinsido ang publiko sa pahayag ni Atty. Howard Calleja na posibleng tampered ang Closed-Circuit Television (CCTV) footages na inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI).
Si Calleja ang abogado ni Deniece Millinette Cornejo, ang starlet na nagreklamo na ni-rape siya ni Vhong Navarro.
SEEN: Very visible si Iza Calzado noong Sabado dahil napanood siya sa It’s Showtime, sa life story niya na isinadula ng Maalaala Mo Kaya, at sa primer ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.
Dumalo rin si Iza sa presscon ng Starting Over Again ng Star CineÂma noong Sabado.
SCENE: Nag-taping na kahapon sa Palawan ng cast ng Dyesebel na pinangungunahan nina Anne Curtis, Sam Milby, at Ge rald Anderson.
SEEN: May statement si Piolo Pascual na single ito sa Valentine’s Day dahil wala siyang girlfriend. Mas nagiging emotional si Piolo tuwing Araw ng mga Puso kesa Pasko.
SCENE: Kamag-anak ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio si Bryan Santos na gumanap bilang kaibigan ni Piolo Pascual sa Starting Over Again.