Hindi na pala lihim ang pagbubuntis ni Jerika Ejercito sa paÂnganay nila ni Bernard Palanca.
Umamin na si Bernard na buntis nga ang kanyang girlfriend at nagpainterbyu na rin si Meryll Soriano na kiyeme-kiyemeng nadulas sa pagkukuwento pagkatapos kumpirmahin na totoo ang tsismis.
The who si Jerika? Siya ang panganay na anak ni Laarni Enriquez kay Papa Joseph Estrada.
Maliit lang ang mundo na ginagalawan nina Jerika, Bernard, at Meryll.
May isang anak sina Meryll at Bernard. Hindi ako sure kung annulled na ang kanilang kasal.
Si Sen. JV Ejercito ang nagkasal kina Meryll at Bernard noong alkalde pa siya ng San Juan City.
Half-brother ni Jerika si Papa JV. Ganyan kaliit ang mundo ng tatlo.
Matagal nang hiwalay sina Bernard at Meryll. Naging boyfriend ni Meryll si Joem Bascon pero hindi rin nagtagal ang kanilang love affair. May bago nang boyfriend si Meryll pero hindi taga-showbiz ang mhin.
Hindi showbiz personality si Jerika kaya malabo na mag-grant siya ng interview tungkol sa kanyang kalagayan.
Lalong malabo na magsalita si Laarni tungkol sa nalalapit na pagiging lola niya.
Nanahimik si Laarni tungkol sa relasyon ng kanyang anak na si Jake kay Andi Eigenmann kaya parang hindi rin siya magpapainÂterbyu sa isyu ng romansa nina Bernard at Jerika.
Richard at Sarah rumarampa Sa Makati
Nakabalik na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa Pilipinas dahil nakita na sila sa 71 Gramercy, ang pinakabago at sosyal na bar sa Makati City na pag-aari ni Raymond Gutierrez at ng mga business partner niya.
Investor din si Richard sa 71 Gramercy pero ipinaubaya niya kay Raymond ang pamamahala sa bar.
Hindi puwedeng magtagal sa Europe si Richard dahil tatapusin pa nito ang shooting ng bagong pelikula niya sa GMA Films.
Deniece nakaka-shopping na
Bukas ko na ikukuwento sa inyo ang impresyon ko kay Deniece Millinette Cornejo na umapir kahapon sa Startalk.
First time namin ni Deniece na magkita. Pamilyar ako sa kanyang hitsura dahil napapanood ko siya sa mga news program pero hindi ko talaga siya kilala.
Na-sight si Deniece na nagsa-shopping sa isang mall sa Makati City. Pinipilit ni Deniece na maging normal, kahit nakatutok sa kanya ang atensiyon ng mga shopper dahil sa pagkakasangkot niya sa kaso ng pambubugbog kay Vhong Navarro. Pang-showbiz ang kanyang attitude ha?
MTRCB nagbago ng sistema sa pamamahagi ng deputy cards
Ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) deputy card ang topic ng mga reporter sa thanksgiving party ni Richard Yap sa Wangfu Chinese Bistro sa Quezon City noong Sabado.
Nag-i-emote rin ang mga reporter dahil sa bagong sistema ng renewal ng kanilang mga MTRCB deputy card.
Nire-require raw sila na mag-submit ng report. Ipinaliwanag ko naman sa kanila na may bagong procedure sa application o renewal ng deputy card. Meron nang committee ang MTRCB na magdedesisyon sa mga bibigyan ng pinakamimithi na deputy cards ng MTRCB.
Mismong si Chairman Toto Villareal ng MTRCB ang nagsabi sa akin tungkol sa committee.
Sa pagkakaintindi ko, approved na ang deputy cards nina Sheryl Cruz at Butch Raquel.
Nakita ko nang magbayad si Papa Butch ng P500 para sa kanyang card. Naabutan ko naman sa lobby ng MTRCB ang yaya ni Sheryl. Waiting daw siya kay Sheryl dahil kinukuha nito ang deputy card niya.
Na-insecure ako dahil hindi yata approved ang application ko. Walang nagsabi sa akin na kailangan ko na mag-submit ng report.
Nakapagbigay na yata ng report sina Sheryl at Papa Butch kaya may linaw na ang pagkakaroon nila ng MTRCB deputy cards.
Ayoko naman na tawagan ang opisina ni Papa Toto para mag-follow up dahil siya ang nagsabi sa akin na may committee na nagre-review at nag-a-approve ng applications.