MANILA, Philippines - Final na pala ang pagsasamahang pelikula nina Anne Curtis and Dingdong Dantes.
Inaayos na raw ang script. Pero hindi pa nabanggit nang nagkuwento sa akin kung sino ang magdidirek. For Viva Films and Star Cinema ang pelikula.
Pero malamang na matatagalan pa ito dahil abala si Anne ngayon sa taping ng Dyesebel sa Palawan.
Si Dingdong naman ay balitang may gagawing serye sa GMA 7 kasama si Ms. Maricel Soriano.
Deniece ipinagdarasal si Vhong,interview sa Startalk ikinawindang ng mga nanood
Nakabalik na sa social media ang nag-demanda ng rape kay Vhong Navarro na si Deniece Millinette Cornejo.
Two days ago ay nag-post na naman siya sa Instagram and Twitter account.
Grabe ang ginawang panlalait kay Deniece sa social media noong kainitan ng pambubugbog kay Vhong Navarro. Pero kung babasahin mo ang mga post niya, talagang with conviction ang sinaÂsabi niyang nasa kanya ang katotohanan kahit iba ang lumabas sa Closed-Circuit Television (CCTV) footages ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kahit sa interview niya sa Startalk kahapon, talagang matigas ang sinasabi ni Deniece na siya ang nagsasabi ng katotohanan. Nagdadasal daw siya gabi-gabi para makayanan ang mga nangyayari.
Sa exclusive interview nina Heart Evangelista and Butch Francisco, sinabi niyang isa siyang babaeng ipinaglalaban ang karapatan.
Hindi rin daw siya nagparetoke. Nagpaayos lang daw siya ng ipin bilang sagot sa mga nagsabing retokada siya.
Hindi rin daw siya nagagalit sa mga hindi naniniwala sa kanya dahil alam niya ang katotohanan.
At nang hingan siya ng message kay Vhong, maraÂming nalokang nanood.
Umiyak na siya at kumumÂpas ang kamay ng matagal at humarap pa sa camera.
“Kuya Vhong may mga kaÂpatid kang lalaki, may anak kang lalaki.
“Habang buhay mong dadalÂhin ’yang kasinungalingan.
“Hindi ko itataya ang buhay ko. Hindi ko itataya ang pangalan ko sa sensitibong paraan.
“Kuya Vhong mag-isip ka.
“Matakot ka sa pangalawang buhay.
“Hindi po ako natatakot. Matakot ka sa ikalawang buhay sa impiyerno. Hindi ako nag-iimbento. Hindi ito problema, pagsubok lang ito.
“Nandito ako para tulungan kayong mga nabibiktima ng pang-aabuso.
“Kuya Vhong ’di ito pelikula, hindi ito pelikula, totoong buhay ito.
Magpakalalaki ka, itong mga nagtanggol sa akin hindi nila ito deserve,†bahagi ng mahabang interview niya.
At sana raw ay mag-isip na si Vhong at ipagdarasal daw niya ang TV host-comedian.
Grabe, nakakawindang ang mga sinabi niya!
Dati ’pag nagdedemanda ng rape, nagko-coÂver ng face, now ipinagdarasal pa ang nang-rape.
Oh, boy. After ng interview ni Deniece ay kinausap naman nina Tito Ricky Lo and Tita Lolit Solis ang abogado ni Vhong at sinasabi nitong may trauma pa ang kanilang kliyente at natatakot. Pero malamang daw na kasuhan ng perjury si Ms. Cornejo.
Bunevacz nagsalita na
“What happened to Vhong (Navarro) is not the first time such a crime had been committed. It is clear that evil deeds are being exposed. I pray that this will be the last time that it will happen,†sabi ni David Bunevacz sa ipinadalang statement sa ABS-CBN tungkol sa balitang nabugbog din siya bago lumabas ng bansa at manirahan na sa Amerika kasama ang asawang si Jessica Rodriguez at mga anak.
“We continue to pray that one day, the truth about the accusations publicly hurled against us will be known and we will finally get our justice,†sabi ni Bunevacz na dating business partner ng kontrobersiyal na negosyanteng si Cedric Lee.