Vina hindi na dapat kaladkarin sa dating karelasyon

Ang dami-daming gustong kumausap sa akin about Vina Morales. Gusto nilang maging tulay ako para magsalita si Vina about the father of her child na sangkot ngayon sa isyu kay Vhong Navarro. Pero ayaw ni Vina. Para ke pa eh wala naman talaga siyang kinalaman dito?  

I think they should focus on the major characters in the play, namely Vhong, Cedric Lee, and Deniece Millinette Cornejo. Huwag na si Vina o ’yung ibang wala namang direktang kinalaman sa mga nangyari.

Ako rin pagpasensiyahan na nila dahil ni isang salita ng pakiusap kay Vina ay hindi ko gagawin dahil gusto ko siyang manahimik sa kaso. Spare na natin siya. Ang lalaki naman ay bahagi na ng kanyang nakaraan. Puwede?                                               

Cedric katatakutan din ang BIR

Maraming bagay ang naapektuhan sa mga taong nanakit kay Vhong Navarro. Hind pa full blown ang andar ng kanilang kaso pero hindi na sila maaaring bumiyahe pa. Bawal na! Pati nga personal nilang text messages ay makakalkal din.

Pero ang talagang dapat nilang katakutan ay kung may atraso sila sa ating ahensiya ng buwis. Sa dami ng kumpanya at negosyo ni Cedric Lee, dapat ay hindi siya magkamali ng pagbabayad ng buwis. Dapat hanggang sa kahuli-hulihang sentimo ay bayad siya kundi lagot siya!

Nora inaabangang ‘ma-in love’ sa super bagets

Akala ko pa naman ay isang May/December love story ang Padre de Familia na tinatampukan nina Nora Aunor at Coco Martin. Mag-ina pala ang dalawa sa pelikula. Looking forward pa naman ako sa isang movie ni Nora na kakaiba, at hindi tulad ng mga ginagawa namin nung araw.

Pero mahaba pa naman ang panahon. Pasasaan ba’t makikitaan ko rin si Nora sa isang love story with a much younger man. Paging TV5!

                                             

Show comments