Julia ’di na bida sa bagong serye, suporta na lang kay Coco

Masayang-masaya si Julia Montes dahil noong Huwebes ay muling pumirma ng exclusive contract ang aktres sa Kapamilya Network. Malapit nang mapanood ang bagong teleserye ni Julia na Ikaw Lamang at pinagbibidahan ito nina Coco Martin at Kim Chiu. Wala raw naging hadlang kay Julia na tanggapin ang supporting role ngayon para sa nasabing proyekto dahil talagang maipagmamalaki niya ito.

“For me naman kasi walang term na supporting. ’Yung role ay maganda talaga, sobra. Doon ako nanggaling. So, why not gawin ko ulit ngayon?” nakangiting pahayag ni Julia.

Hindi rin daw nagdalawang-isip ang dalaga nang ma­laman kung sino ang mga pangunahing bida na makakasama sa kanilang bagong serye. 

 â€œNo’ng nalaman ko pa ang mga makakasama eh wala nang isip-isip. Igo-go ko talaga ito kasi ang ganda-ganda talaga ng story at buong cast,” paliwanag ni Julia.

Nakikiusap rin ang aktres sa kanyang mga tagahanga na sana raw ay patuloy siyang suportahan ng mga ito kahit hindi na siya ang pangunahing bida sa bagong soap opera.

“Normal lang ’yan. Abangan n’yo talaga ’yung story kasi ang ganda. Even sa role ko ay abangan n’yo at maganda talaga siya. Gaya ng mga lumalabas sa pictures, ’yung caption ay ‘epic love story’ siya. Magandang, magandang story talaga. Panigurado ako na ’yung story lahat ng manonood ay susubaybayan,” giit pa ng aktres.

Angeline gustong magtalop sa Men’s magazine

Aminado ang singer na si Angeline Quinto na matagal na raw niyang pangarap na magpa-sexy para sa isang men’s maga­zine.

“Dream ko po ’yon. Baka may kakilala po kayo roon para mas madali,” pabirong bungad ni Angeline.

Noong kabataan pa lamang daw ng singer ay nangangarap na siyang mag-pose ng sexy katulad ng ginagawa sa FHM.

“Kasi bata pa ako may mga friend ako na may ate sila na bumibili ng ganoong klaseng magazine,” kuwento ng dalaga.

Hanggang saan kaya ang kayang ipakita ni Angeline kung sakaling may mag-offer na sa kanyang mag-pose para dito?

“Ay! Hindi naman ’yung masyadong daring, cleavage lang kasi po marami ang nagsasabi sa akin na sayang ang body ko kung hindi ko ipapakita. So, okay naman po ako roon,” pagtatapat ni Angeline. 

Kapansin-pansin ngayon ang pagiging sexy ng dalaga lalo na sa mga larawan niya sa kanyang pa­ngatlong album na may titulong Higher Love. Matagal na ring naiuugnay si Angeline kay Erik Santos pero ayon sa dalaga ay isang non-showbiz persona­lity raw ang nakikipag-date sa kanya ngayon. Reports from JAMES C. CANTOS   

                     

Show comments