MANILA, Philippines – Humingi ng tulong ang kampo ng TV host Vhong Navarro kay Interior Secretary Mar Roxas para sa kanyang seguridad kasunod ng umano’y pambubugbog sa kanya sa loob ng isang condominium unit sa Forbeswood Heights condominium sa Bonifacio Global City Taguig noong Enero 22.
Sinabi ng abogado ni Vhong na si Dennis Manalo na huminigi sila ng tulong kay Roxas ngayong Biyernes ng umaga upang masiguro ang seguridad ng artista na hanggang ngayon ay nagpapagaling pa sa ospital.
Kaugnay na balita: 'It's Showtime' may sumpa?
Humingi sila ng tulong sa kalihim kasunod ng “suspicious incident†na nangyari sa condominium ni Vhong, ayon pa kay Manalo na ayaw nang idetalye pa ang nangyari.
Sinabi pa ng abogado na tumugon naman ang mga pulis at tiniyak ang seguridad ng “It’s Showtime†host.
Samantala, ikinuwento ng direktor Chito Roño na siya ring manager ni Vhong na balot pa rin ng takot ang kanyang alaga.
Kaugnay na balita: ‘Binaboy nila ang ari ko’ - Vhong
"I would say there are moments na nararamdaman pa rin niya yung trauma. Natatakot siyang mag-isa. Gusto niya laging may kausap," kuwento ni Roño.
"We want to be sure that he gets the security he deserves.â€
Wika pa ng manager na hindi nila hinahayaang manood ng TV at magbasa ng balita si Vhong upang makatulong sa kanyang pag-recover.
Kaugnay na balita: Kuha sa CCTV camera minaliit ng kampo ni Cornejo at Lee
Nakasuhan na ang mga umano’y ‘bumaboy’ sa kanya na sina Deniece Cornejo, negosyanteng Cedric Lee at iba pa nilang kasamahan.
Sinabi ni Lee na inabutan nilang ginagahasa ni Navarro si Cornejo kaya nila binanatan ang aktor.