Come Feb. 19 ay 29 years old na si Anne Curtis and it might be a working birthday para sa kanya dahil magsisimula na siyang mag-taping ng Dyesebel kung saan makakasama niya sina Gerald Anderson, Sam Milby, AiAi de las Alas, at Andi Eigenmann na siyang pangunahing bituin ng Galema: Anak ni Zuma.
Maagang birthday gift kay Anne ang pagkakapili sa kanyang Dyesebel.
Jodi tuloy ang pakikipagkaibigan sa dating asawa
Kung kelan nag-asawa’t nagkaanak at nahiwalay sa asawa ay saka naman sumikat nang husto ang Flawless newest celebrity endorser na si Jodi Santa Maria. Thanks to the long-running and top-rating morning light family-oriented TV series na Be Careful with My Heart kung saan sila pareho ng baguhang aktor na si Richard Yap (isa ring may-asawa’t mga anak) na sumikat nang husto.
Magmula nang maging bahagi ng pamilya ng Flawless si Jodi ay regular na itong bumisita sa Flawless clinic para lalong mapangalagaan ang kanyang skin at katawan.
Sa recent launch kay Jodi bilang imahe ng Alagang Flawless, marami ang nakapansin sa kakaibang aura nito ngayon. Halatang in love ito na sinuklian lamang ng ngiti ng aktres.
Balitang annulled na ang kasal ni Jodi sa ex-husband niyang si Pampi Lacson. Hiwalay man si Jodi sa kanyang mister, nanatili ang kanilang pagkakaibigan at komunikasyon dahil sa kanilang kaisa-isang anak na si Thirdy.
Successful man ngayon si Jodi sa kanyang showbiz career at pribadong buhay, isa rin siyang successful businesswoman. Balak din ni Jodi na tapusin ang kanyang pag-aaral ng medicine kapag lumuwag ang kanyang schedule. Ayon sa aktres, kundi siya nag-showbiz ay malamang ay isa na siyang doktor.
Personal…
Belated happy birthday kahapon, Jan. 30, sa aking pamangkin na si Glenda Amoyo Esperas.