PIK: Nagbigay na ng paliwanag ang isa sa mga miyembro ng creative team ng GMA 7 tungkol sa isyung galit ng mga call center agent sa bagong drama series nilang The Borrowed Wife.
Wala na kaming naririnig na reaksiyon mula sa grupo ng mga call center agent.
Wala na ring balak ang GMA 7 na magbigay ng statement tungkol dito. Natutuwa lang sila dahil hindi naman ito nakaapekto sa magandang rating ng The Borrowed Wife.
PAK: Nananatiling tahimik ang anak ng aktres na si Melissa Mendez na si Denise Oca tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Si Phil Younghusband ang itinuturong nakabuntis na hindi naman daw, ayon mismo sa dalaga. Pero hindi raw talaga niya puwedeng sabihin kung sino ang nakabuntis sa kanya. Kaya lang ay kinukuyog sa Twitter at Instagram si Denise kaya nag-aalala si Melissa dahil sa kalagayan pa ng kanyang anak.
Kaya nakiusap si Melissa kay Angel Locsin na pakiusapan ang fans nito dahil apektado na raw ang kanyang anak sa panggugulo sa kanya ng fans ng Kapamilya actress.
BOOM: Hindi na pinapagsalita si Deniece Millinette Cornejo ng mga abogado niya dahil lalo lang itong napapahamak. MedÂyo sablay kasing sumagot ang controversial model at kung anu-ano ang mga pinagsasabi kaya gusto na lang patahimikin ng kanyang mga abogado.
Marami rin ang tumaas ang kilay nang itinanggi niyang nagparetoke siya ng mukha kahit malayo na ang hitsura nito ngayon sa mga nakaraan niyang litrato.
Nang deretsahan naming tinanong kung dumaan ba sa retoke ang mukha niya, mabilis ang sagot ni Deniece: “Hindi ko po kailangan ’yun. Bata pa po ako, four years, five years ago, siyempre po nagkakaroon ng improvement.
“Alam ko gagawin at gagawin ng mga tao dahil gusto nilang masira ang pagkatao ng isang taong inosente.â€