'It's Showtime' may sumpa?
MANILA, Philippines – Ayaw paniwalaan ng komedyanteng Vice Ganda na may sumpa ang kanilang programa na “It’s Showtime†matapos masangkot sa iba’t ibang kontrobersiya ang ilang mga host.
Unang nasangkot sa mga isyu si Vice matapos niyang gamitin ang GMA-7 news personality Jessica Soho sa kanyang joke noong summer, habang naging usap-usapan din ang paghihiwalay ni Billy Crawford kay Nikki Gil noong Hulyo.
Nadawit din ang isa pang host Coleen Garcia bilang third party sa hiwalayang Billy at Nikki.
Nitong Disyembre ay inulan din ng pambabatikos ang eksenang pananampal ni Anne Curtis sa isang bar sa Taguig City dahil sa kalasingan.
Pinakabago sa laman ng mga balita ay si Vhong Navarro na umano’y nabugbog ng grupo ng mga kalalakihan sa loob ng isang condominium unit sa Bonifacio Global City Taguig nitong Enero 22.
“Siguro, magkakasaman kami sa isang program o hindi, meron at meron namang mangyayaring maganda at hindi magaganda sa aming lahat,†wika ni Vice.
“Nagkataon lang na nagkasama-sama kami pero hindi kasi ako naniniwala sa ganun,†dagdag ng komedyanteng host.
Naniniwala si Vice na nagkataon lamang na magkakasama sila sa isang show at aniya maaaring mangyari rin naman ito sa iba.
“Lahat ito ay may dahilan kung bakit nangyayari. At hindi lang sa amin kundi sa ibang tao, nangyayari rin naman yun. Nagkataon lang na magkakagrupo kami.â€
Samantala, suportado ni Vice ang ipinaglalaban ng kaibigang si Vhong na nagdaan sa ilang operasyon dahil sa tama ng suntok at tadyak sa iba’t ibang parte ng katawan.
Kaugnay na balita: ‘Binaboy nila ang ari ko’ - Vhong
“Na kay Vhong ang suporta ko bilang kaibigan. Sinusuportahan ko siya na para hindi siya panghinaan ng loob, sinusuportahan ko siya na lahat ng mga nangyaring ito ay makakabangon siya, at sinusuportahan ko siya na lahat tayo, siya mismo, may matutunan sa pangyayaring ito,†sabi ni Vice.
“Ang lesson lang ay mag-ingat. Mag-ingat tayong lahat, sa lahat ng ginagawa, sa lahat ng pinupuntahan at nakakasalamuha natin. Mag-ingat tayong lahat.â€
- Latest