MANILA, Philippines – Bukod sa mga suntok, tadyak at pananakot na ginawa ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee, dinetalye ng TV host Vhong Navarro sa kanyang sinumapaang salaysay na binaboy ang kanyang ari.
Inihain ni Vhong kahapon sa National Bureau of Investigation ang kanyang affidavit sa umano’y pagpapahirap sa kanya ng grupo ni Lee at ng modelong si Deniece Cornejo noong Enero 22 sa isang condominium unit sa Taguig City.
Isinalaysay ni Vhong kay Jose Rommel Ramirez ng NBI ang mga naganap sa loob ng tinutuluyang condominium unit ni Cornejo sa ikalawang palapag ng Forbeswood Heights sa Bonifacio Global City Taguig City.
Kaugnay na balita: 'It's Showtime' may sumpa?
Sinabi ni Vhong na pinagsusuntok at pinagsisipa siya ng grupo ni Lee, tinutukan ng baril at pinagbantaan ang buhay ng kanyang pamilya kapag hindi sumunod sa mga pinapagawa sa kanya.
Isa rito ang pagsabi sa harap ng camera na ginahasa niya ang kanyang kaibigan na si Cornejo.
“Binaba nila ang pants ko hanggang tuhod binitbit nila ako hanggang sa may dining table at pinaupo ako doon,†salaysay ni Vhong. “Binaboy din nila ang ari ko para mas mukhang nakakahiya.â€
Dagdag ng artista na kinuhaan ng video ang kanyang ari paakyat sa kanyang mukha upang mapakitang siya mismo ang nagsasalita.
Kaugnay na balita: Lee, Cornejo kinasuhan ng NBI sa 'pambababoy' kay Vhong
“Napansin kong mayroon ring dalawa sa kanila na nagvi-video at isa roon ay nakilala kong si Cedric Lee bali nakatutok ang video sa ari ko, papunta sa mukha ko.â€
Una aniyang nakilala si Cornejo sa isang tindahan ng sapatos dalawang taon na ang nakakalipas at simula noon ay nag-uusap sila sa text message, Facebook at Viber.
Nakasaad pa sa salaysay na may nangyari na sakanila ni Cornejo noong Enero 17 bandang alas-11 ng gabi bago pa maganap ang insidente ng pambubugbog.
Samantala, naghain ng kasong rape si Cornejo laban kay Vhong kahapon sa kahapon sa Taguig Prosecutor's Office kung saan sinabi nyang na-trauma siya sa ginawa sa kanya ni Vhong nitong Enero 22.
Kaugnay na balita: NBI sa kaso ni Vhong: Walang rape
Lumabas sa imbestigasyon ng NBI na imposibleng may maganap na panggagahasa base sa kuha ng closed-circuit television cameras sa lobby at elevator ng condominium.