^

PSN Showbiz

Matteo at Robi kinukuwestiyon ang alam sa physical fitness

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami ang kumukuwestiyon kung may authority ba sina Matteo Guidicelli at Robi Domingo para maging co-host ni Iza Calzado sa ikalawang pagsasa-TV ng The Biggest Loser: Pinoy Edition Doubles na mapapanood na naman simula sa Pebrero 3, sa ABS-CBN. Kakaunti kasi ang nakakaalam na athletic din ang dalawa, si Matteo bukod sa car racing ay into triathlon din. Si Robi naman ay matagal ng isang muay Thai enthusiast.

’Di tulad ng una nitong edisyon, ang Biggest Loser Doubles ay tambalan din sa totoong buhay nina Jim at Toni Saret bilang fitness coaches. Bago rin ang mga host nito. Kung dati ay itinampok dito ang ngayon ay mga Kapatid nang sina Sharon Cuneta at Derek Ramsay, ngayon ay si Iza naman, kasama sina Matteo at Robi na magsisilbing challenge masters. Sila ang makakasama ng 14 na pareha na ka­sali sa show na produkto ng paglilibot  sa buong bansa ng mga taong nasa likod  ng rea­lity show.

May pareha na kasali na pro­dukto ng showbiz marriages, sina Pat at Cathy na sa programa lamang nagkakilala. Si Pat ay anak nina Yayo Aguila at William Martinez. Mula naman sa angkan ng mga Revilla si Cathy.

Matapos ang 30 days, magkikita ang 13 na pares sa Timbangan ng Bayan para malaman kung sinong pareha ang nakapagbawas ng pinakamalaking timbang. Ang mga pareha na may malaking nabawas sa pinagsamang timbang ay magiging opisyal na kalahok sa Biggest Loser at sa pagtatapos ng kumpetisyon, ang may pinakama­laking porsiyento ng nabawas na timbang ang mananalo ng P1M, appliance showcase, P100,000 worth ng sports merchandise mula sa Toby’s, panghabang buhay na membership sa Gold’s Gym, kitchen showcase, at marami pang iba.

Mga lalaking nanood ng Paranormal panay ang tilian

Nagsisi pa ako matapos kong mapa­nood ang Paranormal Activi­ty: The Marked Ones dahil pi­­na­­ka-naka­ka­takot na pelikula ‘yun na napanood ko. Bawal kasi sa akin ang mga ga­nung klase na pa­labas pero bilang pagbibigay sa isang kaibigan na matagal ko nang naiindyan sa kanyang mga im­­bitasyong press at celebrity preview at premiere night, nagbigay naman ako ng panahon para sa preview ng The Marked Ones.

Hindi ko akalain na halos mahimatay ako sa takot habang pina­nonood ko ang movie. ’Yung mga hindi ko ma-take ay pinagtakpan ko na lang ng mata pero hindi ko rin naiwasan ang hindi maa­pek­tuhan dahilan sa napakalakas na sigawan ng mga manonood. Tama lang ’yung haba ng pelikula. Kung humaba pa ’yun ay baka tuluyan na akong nawalan ng ulirat. Hindi pa naman nakarating ang ka-date kong anak. She would have been a big help para ma-cushion ako sa maraming nakakatakot at nakakagulat na mga eksena na pati mga lalaki ay napapasigaw.

Nagsimula ang istorya nung June 2012 sa selebrasyon ng graduation sa high school ni Jesse. Isang araw ay napansin na lamang ni Jesse na may­ro’n siyang kagat ng kung anumang hayop sa kanyang braso na nagbibigay sa kanya ng pambihirang lakas. Napatunayan niya ito isang gabing atakihin sila ng kaibigan niyang si Hector ng dalawang masasamang tao. Madali niya silang nagapi pero hindi niya maikuwento sa isa pa nilang kaibigan dahilan sa nakalimutan niya ang mga pangyayari.

Namatay ang matandang kapitbahay ni Jesse at naging suspect ang dati niyang kaeskuwela na si Oscar. Nagpasya si Jesse na gumawa ng sarili nilang imbestigasyon. Kasama ang kaibigang si Penelope ay pumunta sila ng apartment ng namatay na kung saan ay nakakita sila ng mga gamit sa black magic at mga larawan ni Jesse at VHS tapes.

Nakadiskubre rin sila ng isang lagusan pero nang bumaba sila ay may kung anu-anong katatakutan na at kababalaghan ang sumalubong sa kanila. Ma­rami pang pangyayari na kinasangkutan si Jesse at ang mga kaibigan niya, tulad ng pagpa­tay ni Jesse sa kanyang lola at pagpapahirap sa kanyang aso. Marami ring kaganapan mula sa unang mga ins­tallment ng Paranormal Activity ang nagbalik, tulad ng pagkakabuhay ng mga namatay nang karakter na humantong sa nakakatakot na wakas nito.

Direktor ng Marked One si Christopher Landon at tampok si Andrew Jacobs bilang Jesse.

Kim tuloy na tuloy kay Coco

Habang namamayagpag pa sa mga sinehan ang Bride for Rent, heto si Kim Chiu at may ginagawang bagong teleserye para sa ABS-CBN, mula sa Dreamscape na siya ring gumawa ng mga hindi malilimutang Ina, Kapatid Anak, Walang Hanggan, Muling Buksan ang Puso, Kung Mawawala Ka, at marami pang iba.

Mas nauna nang nakonsepto ang Ikaw Lamang, ang titulo ng bagong teleserye na mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida kaysa sa Bride for Rent kaya hindi kataka-taka kung malapit na itong mapanood. Kapareha niya rito for the first time ang itinutu­ring na Hari ng Teleserye na si Coco Martin. Makakasama rin nila sina Jake Cuenca at Julia Montes.

ANDREW JACOBS

BIGGEST LOSER

JESSE

KUNG

MARKED ONES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with