Rating ng mga teleserye dinaig ng news programs
MANILA, Philippines - Mas mataas ang rating ng mga news program ngayon kesa sa mga teleserye.
Ang rason siguro, ang mala-teleseryeng pambubugbog kay Vhong Navarro ang mas sinusubaybayan ng buong bayan.
Base sa ratings na lumabas, matataas ang rating ng TV Patrol at 24 Oras. Siyempre naghihintay ang lahat ng mga bagong development sa kaso ni Vhong laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo na nagsampa ng kasong rape laban sa TV host-comedian kahapon.
Nauna nang nagsampa ng kasong illegal detention, seÂrious physical injuries, grave threats, grave coercion and unlawful arrest si Vhong sa grupo ni Lee.
Pinaglalaruan na rin sa social media si Miss Cornejo na may-ari ng Dark Closet, isang on line business ng mga mamahaling bag. Estudyante rin ito sa La Salle kaya hinihintay kung magre-react ang eskuwelahan ng mga mayayaman. Hinahanap din ang mga magulang nito dahil hindi pa nakikitang lumilitaw sa kabila ng kontroberÂsiyang kinasasangkutan ng 22 anyos.
Kasama rin sa pinagpipiyestahan ang pag-amin ni Vhong na nagkaroon ng oral sex ng una silang magkita ni Cornejo sa condo unit nito. Nasa affidavit ito ni Vhong. Sa affidavit na pinirmahan at sinumpaan ni Vhong nakalagay doon na pinaligaya siya ni Miss Cornejo gamit ang kanyang bibig noong una silang magkita.
Sarah-Coco movie wala nang urungan
Uy tuluy na tuloy na pala ang pelikulang pagsasamahan nina Sarah GeroÂnimo and Coco Martin. Sa February 11 ang kanilang first shooÂting day. Mismong si Boss Vic del Rosario ang nag-confirm tungkol sa project ng dalawa sa Star Cinema and Viva Films. Wala pang binigay na title si Boss Vic nang makausap ko kahapon.
It Takes A Man and A Woman pa ang huÂling pelikula ni Sarah na kasama si John Lloyd Cruz. Ito ang pelikulang may pinakamaÂlaking kita last year.
- Latest