MANILA, Philippines – Naniniwala ang kampo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo na magagamit nila ang kuha ng security cameras laban sa aktor at TV host Vhong Navarro.
Sinabi ng abogadong si Howard Calleja ngayong Miyerkules na makikita sa kuha ng closed circuit television cameras na naunang dumating sa Forbeswood Heights condominium si Vhong taliwas sa sinabi ng artista na na-set-up siya.
"Sabi ni Vhong Navarro sa mga interview, na siya ay na-setup, noong dumating siya nandoon ang mga tao sa kwartong ito," pahayag ni Calleja sa isang panayam sa telebisyon.
"Pero ang CCTV ay pabor na sinasabing wala pa ang mga tao roon. Bakit? Klaro na nauna si Vhong Navarro bago ang mga kliyente ko," dagdag ng abogado.
Kaugnay na balita: Lee, Cornejo kinasuhan ng NBI sa 'pambababoy' kay Vhong
Iginigiit ng kampo ni Lee na naabutan nilang minomolestiya ni Vhong si Deniece noong gabi ng Enero 22.
Anila dinal nila sa Southern Police District headquarters si Vhong sa paniniwalang ito ang pinakamalapit na police station.
Base sa kuha ng CCTV cameras ay dumating sa lobby ng condominium si Vhong ganap na 10:38 ng gabi bago umakyat sa second floor gamit ang elevator.
Isang minuto lamang ang lumipas ay kita sa camera na bumaba mag-isa si Cornejo, saka naman pumasok ang grupo ni Lee.
Kaugnay na balita: Rape at hindi attempted rape ikakaso ng kampo ni Cornejo kay Vhong
Nahaharap sa patung-patong na kaso sina Lee, Cornejo at iba pa dahil sa pambubugbog kay Vhong.
Inihain kahapon ng National Bureau of Investigation ang mga kasong kidnapping, serious illegal detentionserious physical injuries, grave threats, grave coercion, unlawful arrest, threatening to prevent publication in exchange for compensation na walang piyansa.
Magsasampa naman ng kasong rape ang kampo ni Lee at Cornejo laban sa “It’s Showtime†host.
"Sabihin lang 'yong katotohanan at sabihin lahat ng nangyari. Kaya nga noong aming pag-evaluate ng mga facts o mga kwento, sabi namin, mukhang hindi attempted rape (lang) ang nangyari," banggit ni.
Calleja.