MANILA, Philippines - Wala naman palang misa o presscon na magaganap para kay Vhong Navarro bukas, Huwebes. Tumawag si Tita Dolor Guevarra para ikorek ang lumabas na mag-i-sponsor ang maraming grupo sa showbiz ng isang mass para sa katarungan sa nangyari kay Vhong. Wala naman daw namatay para magpa-misa, katuwiran ng talent maÂnager na si Tita Dolor.
Saka on going na raw ang kaso so nakabantay lang sila sa mga kaganapan lalo na nga’t kahapon ay pinirmahan at sinumpaan na ni Vhong ang kanyang affidavit para makasuhan ang grupo ng mga umano’y nangbalahura sa kanya noong January 22.
Bandang 2:30 ng hapon kahapon nang pirmahan ni Vhong ang mga dokumento kahit katatapos pa lang ng operasyon niya sa ilong at bago mag-ala-sais ng gabi kahapon din ay dinala ng kanyang abogado sa Department of Justice – Atty. Alma Malongga – ang affidavit para pormal na kasuhan ng illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, and unlawful arrest ang grupo nina Cedric Lee at ang babaeng nag-aakusang hinalay na si Deniece Cornejo.
May mga kaso na rin na isinampa ang NBI dahil may mga hawak daw itong ebidensiya.
Kasama sa mga ikinaso ng NBI ang serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, illegal arrest, blackmail against kina Cedric Lee at lima pang kasama.
Ang hihintayin na lang ngayon ay kung matutuloy ang sinasabing pagsasampa ng kasong rape ni Miss Cornejo laban naman kay Vhong.
Samantala, nakuhanan daw ng Chinese Viagra si Vhong nang gabing sinasabing nangyari ang bugbugan. Mismong si Mr. Lee ang nagkuwento tungkol dito sa phonepatch interview sa kanya nina Arnold Clavio and Ms. Ali Sotto sa kanilang show sa DZBB kahapon ng umaga.
Akala nga raw ng mga pulis ay ecstacy pero nang i-check daw ay gamut na pampatigas ng ari pala.
Vina nagparinig?!
Kahit ayaw ni Vina Morales na madawit sa mga isyu ay nakakaladkad ang pangalan niya. Ama ng kanyang apat na taong daughter ang itinuturong nambugbog sa TV host-comedian.
Pero walang sinasabi si Vina sa mga nangyayari except sa mga post niya sa Instagram tulad nito : “No need for revenge. Just sit back and wait. Those who hurt you will eventually screw up themselves & if you’re lucky, God will let you watch.â€
Mga relief goods nabubulok na sa mga warehouse
Bakit kaya hindi na lang ipamigay ng mga ilang ahensiya na nangolekta ng donasyon noong kasagsagan ng bagyong Yolanda ang mga relief goods kesa mabulok sa kani-kanilang warehouse?
May ilang imbakan akong nakita na marami nang mga nabubulok na mga damit at ilang mga de lata at tubig na obviously ay hindi na-distribute sa mga biktima ng super typhoon.
Kung sana ipinamimigay na lang, napapakinabangan pa ng mga batang nanghihingi ng mga pagkain at mga pami-pamilya nakatira sa mga kalsada.