Rape at hindi attempted rape ikakaso ng kampo ni Cornejo kay Vhong

MANILA, Philippines - Sasampahan ng kasong panggagahasa ng kampo ng negosyanteng si Cedric Lee at umano'y biktima Deniece Cornejo ang TV host na si Vhong Navarro kasunod nang insidente sa isang condominium sa Taguig City nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Lee na rape ang reklamo nila kay Navarro at hindi attempted rape tulad nang unang naiulat.

"Hindi lang attempted rape, rape na yung isasampa namin," pahayag ni Lee sa isang panayam sa telebisyon.

Kaugnay na balita: Vhong hiniling sa mga pulis na huwag ikalat sa media ang insidente

Ito ang sagot ng kampo ni Lee sa inihahandang frustrated murder at serious illegal detention na reklamo ni Navarro.

Sinabi ng negosyante na naabutan niyang pinupuwersa ni Navarro ang 22-anyos na modelong si Deniece Cornejo sa loob ng condominium unit sa Bonifacio Global City Taguig.

Aminado si Lee na ginulpi at iginapos nila si Navarro.

Kaugnay na balita: Deniece Cornejo: 'Ako ang biktima'

Samantala, pinabulaanan ni Navarro ang mga akusasyon at sinabing puwersahang siyang pinasabing ginahasa niya si Cornejo sa harap ng camera.

Pinasinungalingan naman ni Lee ang umano'y pagkuha ng video sa ari ng TV host.

"Ang baboy naman no'n. Kalalaki namin tao, gagawin namin 'yon," banggit ni Lee.

Nauna nang sinabi ni Cornejo na siya ang inosente at biktima.

Show comments