MANILA, Philippines - Isasalaysay ni Karen Davila ang kuwento kung paano sinalo ni Gerry Chua ang naluluging negosyo ng kanyang pamilya at ginawang palaguin pa ito matapos maimbento at pasikatin sa bansa ang ube hopia ngayong Miyerkules (Jan 29) sa My Puhunan.
Si Gerry ang may-ari ng sikat na Eng Bee Tin Chinese Deli sa Binondo, Manila, dahil sa masasarap at kakaibang hopia na kanyang pinasikat sa buong bansa at maging sa abroad.
Sa edad na 21 taong gulang, si Gerry na ang sumalo sa naluluging negosyo ng pamilya. Gamit ang pamanang kaalaman ng kanyang lolo sa paggawa ng hopia, nagawa niyang patakbuhin at palaguin ang Eng Bee Tin.
Si Gerry ang nagpauso ng ube hopia sa bansa at ang imbensyong ito ang naging susi upang makuha niya ang kiliti ng mga Pinoy. Araw-araw, 4,000 piraso ng hopia ang niluluto sa factory ng Eng Bee Tin. Sa dami ng orders, yumaman at naging mega-milyonaryo si Mang Gerry.
Itatampok din ni Karen ang sikat na negosyong Charms and Crystals, ang shop ng accessories na pampaswerte ni Joy Lim na popular sa mga celebrities, negosyante, at maging mga pulitiko.
Sa Mutya ng Masa bukas (Jan 28), tutuparin naman ni Doris Bigornia ang kaisa-isang kahilingan ng isang pandesal vendor na tanging makapagpapasaya sa kanya – ang isang meet-and-greet kasama ang kanyang mga idolong sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.
Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan ngayong Miyerkules (Jan 29), at ang katuwang sa lungkot at ligaya ng buhay, ang Mutya ng Masa 4:45 p.m. sa ABS-CBN.