Sounds familiar ang pangalan na Deniece Millinette Cornejo nang una ko itong marinig. Biglang nag-flashback sa akin ang nakaraan nang makatanggap ako ng tawag sa telepono mula sa nanay na nagpakilala bilang ina ni Deniece.
Tinanong ako ng madir ni Deniece kung type ko raw ba na i-manage ang showbiz career ng kanyang anak? Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita nang personal ang bagets dahil hindi na kami nagkausap ng nanay niya.
Naalaala ko ang pangalan ni Deniece dahil sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa pambubugbog kay Vhong Navarro.
Ang sabi ni Vhong, si Deniece ang babae na nag-imbita sa kanya sa isang condo unit sa The Fort sa makasaysayan na gabi ng January 22. Alam na natin ang mga nangyari pagkatapos ng pagbisita ni Vhong sa condo unit ni Deniece.
Nakita ko kahapon ang mga litrato ni Deniece. May karapatan pala siya na maging artista dahil maÂganda siya at mukhang Diyosa. Hindi natin masisisi si Vhong kung nahalina ito sa alindog ni Deniece na kontrobersiyal ngayon kaya madali na sa kanya ang makilala ng publiko kapag sineryoso niya ang pagpasok sa showbiz.
Narinig na nating lahat ang panig ni Vhong tungkol sa pang-uumbag sa kanya. Gusto ko naman na marinig ang side ni Deniece at ni Cedric Lee na itinuturo ni Vhong na nanakit sa kanya, kasama ang ilang kalalakihan.
Hindi sa kinakampihan ko sina Deniece at Cedric pero karapatan din nila na sabihin ang kanilang panig para makumpleto ang kuwento na habang tumatagal eh dumarami ang anggulo kaya lalong nagugulo ang kaso.
Ang pambubugbog kay Vhong ang biggest and hottest story noong nakaraang linggo at hindi pa ito matatapos dahil may mga demandahan pa na magaganap.
Napanood ko sa dzMM Teleradyo ang interview kay Vhong at naawa ako sa kanyang kalagayan.
Kitang-kita sa pag-iyak ni Vhong ang mga pagdurusa na pinagdaanan niya noong January 22 pero nasagot ang mga tanong na naghihintay ng kasagutan tulad ng paano siya nakauwi ng bahay, pirma ba niya talaga ang nakalagay sa blotter at ang parusa na natikman niya.
Matatagalan pa bago talaga makabalik sa showbiz si Vhong dahil nakatakda siya na sumailalim ngayon sa operasyon.
Nabali yata ang buto sa kanyang ilong dahil sa lakas ng pananapak sa kanya ng ibang mga hindi pa nakikilala na suspect.
Heart pinangaralanni Marya
Totoo ang sinabi ko sa Startalk noong Linggo na narinig ko si Maricel Soriano na pinapayuhan si Heart Evangelista na makipag-ayos na ito kay Marian Rivera dahil maliit lang ang mundo ng showbiz.
Hindi ko alam kung pinakinggan ni Heart ang advice ni Maricel dahil hindi ko na napansin kung nagbatian sila ni Marian na nag-guest nang live sa Startalk noong Linggo para i-promote ang Carmela, Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.
Basta ang alam ko, nag-effort si Marian na i-greet si Heart sa studio ng Sunday All Stars noong Linggo rin.
Maricel hindi sinagot kung pumapatol sa babae
Nabitin pala ang viewers ng Startalk dahil hindi raw sinagot ni Maricel ang tanong ko tungkol sa mga babae na kapwa pumapatol sa babae.
Nalibang din ako kaya nalimutan ko na hindi nga sinagot ni Maricel ang aking tanong.
Huwag na nating pilitin si Maricel. Baka may sariling dahilan siya kaya dinedma niya ang aking relevant question. Relevant daw o!