MANILA, Philippines – Hiniling umano ng TV host na si Vhong Navarro sa pulisya na gawing sikreto na lamang ang police blotter laban sa kanya na inihain ni Deniece Cornejo.
Iniharap ni Southern Police District director Chief Superintendent Jose Erwin Villacorte ang mga pulis na naka-duty nang dalhin ni Cedric Lee, Bernice Lee at Cornejo si Navarro sa presinto.
Nakilala ang mga naka-duty na pulis na sina police Officers 3 Eugene Pugal, Dalmacio Lumiuan at Rolly Laureto at Sr. Inspector Eduardo Alcantara sa Southern Police District (SPD).
Kaugnay na balita: 'Malalagpasan din namin ito' - ex-wife ni Vhong
Si Lumiuan ang kumuha ng testimonya kay Cornejo at sinabing hindi agad nakilala ang artistang si Vhong dahil sa namamagang mukha nito matapos bugbugin nina Lee.
Pinabulaanan din ng mga pulis na hindi nila binigyan ng medical assistance si Navarro.
Kaugnay na balita: Deniece Cornejo: 'Ako ang biktima'
Inalok ng mga pulis na dalhin sa ospital si Navarro ngunit tumanggi ito at hiniling na huwag nang ipagkalat sa media ang mga nangyari, ayon pa kay Laureto.
"Ayaw po nyang padala sa ospital. Sabi nya, wag din ilabas sa media," banggit ni Laureto.
"I asked him if he wanted to say something as a counter charge, but he refused," dagdag ng pulis.
Kaugnay na balita: Sekyu at condo admin maaring managot sa kaso ni Vhong
Samantala, sinabi rin ni Cornejo na hindi na niya sasampahan ng kaso si Navarro.
"Gusto ko lang po for records purposes lang. Sana lang po ‘wag lalabas sa media," sabi ni Lumiuan batay sa salaysay ni Cornejo.