Energy Sec. Jericho Petilla, pasaway?

MANILA, Philippines - May sapat na kuryente ang bansa, ayon kay Energy Secretary Jericho Petilla. Ang problema lamang aniya ay ang pagbagsak ng ilang planta na sinisiyasat ngayon kung sinadya ng ilang taga-supply ng kuryente. 

Sa panayam ni Prof. Solita Monsod, sinabi ni Petilla na ang maximum demand sa kuryente ay umaabot ng 7,500 megawatts. May available naman aniyang 8,400 megawatts. 

Sa ngayon, dapat daw siyasatin kung ang pagbagsak ng mga planta ay resulta ng kutsabahan sa pagitan ng ilang kumpanyang pinagmumulan ng kur­yente. 

Ayon naman kay Prof. Monsod, nakasalalay ang presyo at tiyak na supply ng kuryente sa Energy Regulatory Commission, ngunit hindi sapat ang ginagawa ng ahensiya para pangalagaan ang interes ng mga consumer.

Bakit patuloy ang taas ng presyo ng kuryente at bakit may ilang probin­siyang ilang taon nang tinatamaan ng blackout? Alamin ang sagot sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Lunes, ika-10 ng gabi, sa GMA News TV Channel 11.

 

Show comments