Enzo may ganti kay Louise

MANILA, Philippines - Nakadama rin ng selos si Enzo Pineda nung madalas magkaroon ng kissing scene ang girlfriend na si Louise delos Reyes at Alden Richards.

“Minsan nakakadama ako ng selos pero naiisip ko na makakabawi rin naman ako eh. Hahaha! May soap din ako. Ako rin naman may mga partner,” sabi ni Enzo.

“Siguro ’pag nagmamahal ka, may selos. Konti lang naman. Kaya minsan, hindi ko na lang pinapanood para hindi ako masaktan.”

Kasama si Enzo sa cast ng horror movie na Basement.

Call Center agents umalma sa pangmamaliit ni Rafael!

Grabe naman ang reaksiyon ng ilang nagtatrabaho sa call center sa dayalog ni Rafael Rosell sa The Borrowed Wife na anila ay minamaliit sa GMA series. Binira tuloy ng mga agent ang writers nang ipalalabas na drama, pati na si Rafael.

Naku, walang intensiyon ang mga writer at GMA na maliitin sa series ang mga call center agent. Character lang ’yon sa series ni Rafael at walang kinalaman ang mga ahenteng nagrereklamo.

Panoorin muna ang bagong serye bago husgahan ang isang dayalog na TV plug.

 

Show comments