MANILA, Philippines - Nakapanayam sa unang pagkakataon ni Boy Abunda ng Buzz ng Bayan ang nasa ospital pang si Vhong Navarro. Nagbigay na ng pahayag ang comedian-TV host sa dahilan ng pambubugbog sa kanya ng ilang tao nung Miyerkules ng gabi sa isang condominium sa The Fort, Taguig City.
Kinumpirma ni Vhong na sangkot ang babaeng si Deniece Millinette Cornejo na siyang nag-imbita sa kanya sa condo unit nito at pagkatapos ay lumabas si Cedric Lee bilang isa diumano sa mga gumapos, tumutok ng baril, nag-blindfold, nambugbog, at bumaboy sa aktor. Ang sinasabing pambababoy ay hindi masyadong idinetalye ni Vhong maliban sa pagsasabing siya ay hinubaran ng shorts at pinagtaÂtadyakan habang bini-video.
Sinabi rin ni Vhong na pinapaamin siya sa video ng, “Ako si Vhong Navarro. Nang-rape ako ng kaibigan.â€
Dahil sinabihan siya na kailangan daw niyang magbigay ng pera na nag-umpisa sa P200,000 hanggang maisara ang usapan sa P1M ay alam na ni Vhong kung para saan ang ginawang video. “In case na magsumbong ako, may ipapakita,†sabi ni Vhong.
Si Cedric ay kilala sa showbiz bilang ex-boyfriend ni Vina Morales kung saan siya may anak ng isang babae. Bukod kay Cedric, may tinukoy pang “Mike†na pangalan si Vhong na siyang nagyaya sa presinto para ipa-blotter ang naganap sa condo. Sa bilang ni Vhong, may anim o pitong lalaki lahat ang sumipa at sumapak sa kanya at gumawa ng sinasabi niyang kababuyan.