Anne nadurog ang puso sa hitsura ni Vhong sa ospital

Kahapon ay aming binisita si Vhong Navarro sa ospital upang makapanayam para sa programang Buzz ng Bayan. Sa kasalukuyan ay nasa ospital pa rin ang aktor matapos ang kalunus-lunos na sinapit niya dahil sa pambubugbog ng diumano’y anim na kalalakihan noong Miyerkules ng gabi.

Noong Sabado naman ay bumisita rin si Anne Curtis kay Vhong sa ospital upang kamustahin ang kalagayan ng aktor. Kasamang dumalaw ni Anne ang iba pang hosts ng programa nilang It’s Showtime. “Nagpapasalamat siya and he just wants all of us to continue doing what we are doing, to make people happy. It’s hard for him. It would be hard for anyone,” pahayag ni Anne.

Nadurog daw ang puso ng aktres nang personal na nakita si Vhong sa ospital pagkatapos nang nangyari. “Of course, it was heartbreaking to see him that way. But what’s important is he’s safe. I honestly didn’t know what to expect. He knows that all of us are here for him and we can’t wait for him to come back,” dagdag pa ni Anne.

Samantala, ayon naman kay Vice Ganda ay regular din nilang nakaka-text si Vhong habang nasa ospital ito.

“Nakaka-text namin siya. Hindi pa siya okay pero patuloy pa rin ang pagpapagaling niya,” bungad ni Vice. “Sobrang malungkot na malungkot kaming lahat. Bumagsak ang energy namin na may nangyaring hindi maganda kay Vhong. Parang kapatid na namin ‘yan. Gayon man, nagpapasalamat pa rin kami dahil humihinga pa si Vhong.”

Noong Sabado rin ay naging emosyonal ang lahat ng mga kasamahan ni Vhong sa It’s Showtime dahil sa sinapit ng aktor.    

Kim at Xian halos triple na ang kinikita sa sinehan

Tinatayang nasa P250 million na raw ngayong araw ang kinita ng pelikulang Bride For Rent na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ang pelikula sa ikalawang linggo nito. Masayang-masaya si Kim dahil muling nagtagumpay sa takilya ang pelikulang pinagtambalan nila ni Xian. Matatandaang una nang nagtambal ang dalawa sa Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? na ipinalabas noong isang taon.

Mahigit sa doble na raw ang kinita ng Bride For Rent kumpara sa naunang pelikula na kumita ng P100 million sa loob ng dalawang linggo.

“Maraming, maraming salamat po! Sobra! Thank you Papa God. Thank you sa lahat nang nanood. Sa lahat ng nakitawa and nakiiyak sa amin, maraming, maraming, maraming salamat po,” mensaheng nai-post ni Kim sa kanyang Instagram account.

Kasama rin nina Kim at Xian sa Bride For Rent sina Pilita Corrales, Tirso Cruz III, Dennis Padilla, Matt Evans, Martin Del Rosario, at Empoy. 

Reports from JAMES C. CANTOS

 

Show comments