Aktor nagpaparamdam sa mga gamit na pinapangarap makuha ng libre

Alam kaya ng aktor na ito na iniisip ng mga naka­kita sa post niya sa Instagram ng mga gamit na gusto niyang mabili na naghahanap lang siya ng sponsor na makakapagbigay ng mga gamit na pinapangarap niya?

Ganito rin kasi ang gimik ng ibang artista, nagpo-post ng picture ng mga gamit na gusto nila at ’pag nabasa ng fans, lalo na ang mga may kaya, ibinibigay sa mga nagpo-post na artista.

Either gumaya sa kapwa artista ang aktor o wala siyang alam sa kalakaran kaya post siya nang post. Pero paano kung may fans siya o sa kaso niya ay beking sponsor na magbibigay sa kanya ng mga pinapangarap na gamit?

Nagtataka ang isang reporter dahil kumikita naman ang aktor at may ilang negosyo ito, bakit daw kailangan pa nitong magparamdam at maghanap ng sponsor online para lang makabili ng gamit?

Robin inayos ang mga pangalan ng kamag-anak

Sa presscon ng Sa Ngalan ng Ama, Ina, At mga Anak, nabanggit ni Robin Padilla na siya ang nagpresyo ng talent fee ni Daniel Padilla sa nasabing pelikula dahil ayaw nitong maningil pati ang mga kapatid na kasama sa movie.

Nagbiro si Robin na mas magandang may ta­lent fee ang mga pamangkin at anak kesa hihingi ng malaking bonus. Mas maganda raw na bayaran na lang sila pero hindi na nito sinabi kung magkano ang TF nina Daniel, Matt, RJ, at Kylie Padilla.

Nang makita namin ang poster ng movie na showing sa Jan. 29, obvious na hindi lang TF ang inayos ni Robin, pati na ang billing nila. Una ang name niya at above the title and after the title, pangalan nina Mariel Rodriguez at Kylie, at sumunod ang name ni Daniel na kasing laki ng name ni Robin. Sa baba, ang name nina RJ, Matt, at Bela Padilla na kasing laki ng name nina Mariel at Kylie.

Hard action ang movie sa direction ni John Villarin at kasama sa 20th anniversary presentation ng Star Cinema.

Vice Ganda nanginginig sa sinapit ni Vhong

Kumakalat sa Twitter ang hastag na #PrayForVhongNavarro at kinakabahan ang mga nakakabasa dahil hindi malinaw ang pagbabalita sa kondisyon ni Vhong Navarro na binugbog sa isang condo sa The Fort, Taguig City.

’Tapos nag-tweet si Vice Ganda ng “Nakakaiyak. Nakakapanginig. Nakakapanghina,” na lalong nagbibigay ng takot sa fans ni Vhong.

Ano kaya ang tunay nitong kondisyon at maoo­perahan pa raw?

Direk Jay masaya sa resulta ng psycho drama

Masaya si director Jay Altarejos sa feedback ng televiewers sa Obsession, ang drama series ng TV5 na kanyang dinidirehe. Ikinatuwa rin ng director ang nalamang maganda ang rating ng drama series at marami ang ads.

Psycho drama ang tawag ni Direk Jay sa Obsession na 12 weeks tatakbo at maraming-marami pang mangyayari sa mga susunod na episodes. Pinasalamatan nito ang kanyang cast. Magagaling at competent daw sina Bianca King, Neri Naig, Martin Escudero, at Marvin Agustin kaya napapadali ang kanyang trabaho.

Aalis si Direk Jay sa Feb. 4 para dumalo sa prestigious 64th Berlin International Film Festival dahil ang pelikula niyang Unfriend ay may world premiere sa Feb. 8 under Panorama section ng film fes­tival. Ang international rights ng mo­vie ay binili ng Fortissimo Films.

Kasamang aalis ni Direk Jay ang producer ng movie na si Mark Xander Fabillar, ang DOP ng movie na si Arvin Viola at ang lead actor na si Sandino Martin. Sa Feb. 12 ang balik nila at tiniyak nitong hindi maaapektuhan ang taping ng Obsession.

Maricel unang bisita ng Startalk ngayong Linggo

Guest si Maricel Soriano sa Startalk sa first Sunday telecast ng showbiz show ng GMA 7. Sen­yales na siguro ito na gagawa na ng soap sa Kapuso Network ang aktres.

Hopefully, sa guesting ni Maricel mamaya, i-an­nounce na ang title ng soap na pagsasamahan nila ni Dingdong Dantes to be directed by Andoy Ranay.

 

Show comments